Hindi literal na na-offend, pero nasaktan daw ang ibang mga juror sa dialogue ni Vice Ganda nang tanggapin niya ang Special Jury Citation sa Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2024 noong isang gabi para sa pelikula niyang And the Breadwinner Is....
Dialogue niya kasi nang tawagin ng presenter that night na sina Lorna Tolentino and Dennis Trillo na hindi niya alam kung anong award ‘yung natanggap niya.
Pero ‘yun pala, meron talagang artcard na babanggitin ni Dennis ang kahulugan ng nasabing award ni Vice na originally pala ay si Lorna T ang magbabasa pero naibigay ang artcard kay Dennis.
Pero totoo bang ang theater owners ang nag-request na bigyan siya ng special citation dahil ang pelikulang And the Breadwinner Is... ang number 1 sa 10 official entries?
Diumano’y inilaban ito ng theater owners kaya medyo na-delay pa ang deliberation ng jurors noong Biyernes ng umaga.
Trending kahapon sina Vice Ganda and Eugene Domingo ganundin ang MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer na naglabas ng statement tungkol sa mga nagpoprotesta sa naging resulta ng Gabi Ng Parangal. Idiniin ni Noel na walang naganap na “cooking show show” o lutuan sa awards night.
“YOU MAY AGREE OR DISAGREE WITH THEIR CHOICES … but the integrity of each and every member of the Jury since we took charge in 2016 , especially on this 50th Edition of the MMFF cannot be assailed.
“They have exhaustively deliberated and decided on the nominees and the winners from 9am-4:30pm yesterday … No leaks, definitely no cooking show … only the Jury Chair and the MMFF Executive Director knew the results, not even I or any member of the Execom.
“Rest assured, there was due process and the judgment was fair and sound AND FINAL!!! #MMFF50 #MMFFSpokespersonDuties #MabuhayAngPelikulangFilipino,” buong post ni Noel kahapon na pinag-usapan sa social media particular na sa Twitter (X na ngayon) kaya naman nag-trending pa siya.
Bukod kay Aga Muhlach, hindi rin nominado for Best Actress si Julia Barretto ng pelikulang Hold Me Close.
Ganundin si Direk Dan Villegas, direktor ng Uninvited, gayundin si Jun Lana for And The Breadwinner Is…
Walang nakuhang award ang Uninvited maliban sa Best Float, ka-tie pa ang Topakk habang ang Hold Me Close ay zero as in wala at all at kahit sa Best Float ay hindi ito nominated.
Ginawa ring isyu sa Gabi ng Parangal ang hindi pagkapanalo ni Zig Dulay bilang Best Director gayung Green Bones ang Best Picture at nag-uwi ng maraming award.
Anyway, gabi ng Green Bones ang 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal sa Solaire Resort & Casino nitong Biyernes.
Narito ang kumpletong nanalo:
Best Visual Effects: Riot Inc. (The Kingdom)
Best Child Performer: Sienna Stevens (Green Bones)
Best Musical Score: Vincent De Jesus (Isang Himala)
Best Sound for the movie: Ditoy Aguila (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)
Best Original Theme Song: Ang Himala ay Nasa Puso by Juan Carlos (Isang Himala)
Best Editing: Vanessa Ubas de Leon (My Future You)
Best Cinematography: Neil Daza (Green Bones)
Best Production Design: Nestor Abrogena (The Kingdom)
Best Supporting Actress: Kakki Teodoro (Isang Himala)
Best Supporting Actor: Ruru Madrid (Green Bones)
Breakthrough Performance: Seth Fedelin (My Future You)
Special Jury Citation Award: Vice Ganda
Best Screenplay: Ricky Lee and Anj Atienza (Green Bones)
Fernando Poe Jr. Memorial Award: Topakk
Gatpuno Antonio J. Villegas Award: The Kingdom
Best Actor: Dennis Trillo (Green Bones)
Best Actress: Judy Ann Santos (Espantaho)
Special Jury Award: Topakk, Isang Himala
Best Director: Crisanto Aquino (My Future You), Michael Tuviera (The Kingdom)
4th Best Picture: Isang Himala
3rd Best Picture: My Future You
2nd Best Picture: The Kingdom
Best Picture: Green Bones
Lifetime Achievement Award: Former president Joseph “Erap” Ejercito-Estrada
Best Float: Topakk, Uninvited
Gender Sensitivity Award: And the Breadwinner Is…