Billy, bibida sa Paris Olympia

Billy

MANILA, Philippines — Wow talagang magiging aktibo na ulit ang career ni Billy Crawford at sa France.

Sa kanyang post in French na translated na sa English : “See you at the Olympia! I am extremely happy that on may 29th 2025 I will be moving up for the very first time on the mythical stage of the Olympia in Paris. It’s a dream come true, and I ca’t wait to share this moment with you!,” umpisa ng post niya.

“This date is even more special as it marks the anniversary of “Trackin’”, a song that has such a special place in my career and in your hearts. Celebrating this with you live will be an incredible experience,” dagdag niya.

Nangako rin si Billy ng bonggang performance na magbabalik-tanaw sa kanyang paglalakbay sa industriya.

“Accompanied by my musicians and dancers, I am preparing a show that will trace my years of music, and adding a few surprises... and exceptional guests that I am delighted to present to you that evening. I am also very proud to be able to revisit pieces marked by experience that changed my life, like my collaboration with Michael Jackson, which has so much influenced the artist I am today. So whether you’ve been following me since my beginning or you’ve come to discover my universe, I can’t wait to be with you at the Olympia. See you very soon, Paris!”

Vindicated na rin si Billy sa pang-iintriga sa kanya nung nakalipas na buwan na kaya siya pumayat ay dahil sa droga.

Maris at Neri, kumalma sa social media

Isa lang ang solusyon ng mga nasasangkot sa intriga. Tumigil sa social media, at pak, mananahimik na ang pangingialam sa kanilang buhay.

Katulad nitong nangyari kina Maris Racal at Neri Naig.

Ngayon, tahimik ang paligid nina Maris at Neri samantalang bago mag-Pasko ang ingay ng pangalan nila dahil sa landian ni Maris kay Anthony Jennings habang si Neri ay syndicated estafa ang kinasangkutan dahil sa isang beauty clinic.

Ang bilis lang makalimot sa totoo lang ng mga netizen.

Umiingay lang naman ‘pag sinasakyan ng ibang gustong magpasikat.

Sen. Robin, naka-score ng suporta sa mga doctor at scientist

Humamig ng suporta si Sen. Robin Padilla mula sa ilang scientists at doctors kaugnay ng matagal-tagal na niyang isinusulong na legalization ng medical cannabis o marijuana sa Pilipinas.

Ilang panahon na ring pinu-push ng aktor/pulitiko ang Senate Bill (SB) No. 2573 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines kaso marami ang kontra rito.

Sa forum/mediacon na ginanap kamakailan sa Solaire, Parañaque, sinuportahan si Sen. Robin ng global cannabis experts na sina Dr. Shiksha Gallow at Wayne Gallow, na nagsabing ang medical cannabis ay nakatutulong sa pain management ng cancer at epilepsy patients.

Meron din umano itong iba pang mga benepisyo.

Maitulak kaya ni Sen. Robin ang legalization ng medical marijuana sa bansa sa pagpasok ng 2025?

Show comments