Michael Buble, mas bumango sa Pinoy fans

MANILA, Philippines — Aliw at laging trending sa netizens ang bawat video ng Canadian artist na si Michael Buble.

Bukod pa sa pagiging mahusay na singer at songwriter ay click din ang pagiging natural na komed­yante nito. At malakas din ang karisma sa kanyang fans.

At mas bumango ang pangalan niya sa Pinoy fans dahil sa katatapos na The Voice Season 26 na ang Pinoy singer na si Sofronio Vasquez ang champion.

Naging pamilyar na rin ang mukha at boses ni Michael Buble sa mga holiday, salamat sa kanyang best-selling 2011 album na Pasko. Ang nasabing album ay sobrang minamahal.

At ngayon ay may bagong siyang Christmas song na Maybe This Christmas na ire-record niya kasama ng country artist na si Carly Pearce.

At may video na kumalat na simpleng ipinakita ni Michael ang pag-record ng kanta gamit ang iPhone 16 pro na may voice memos. Ibinahagi  ni Michael ang simpleng paraan kung paano ang bagong technical at pagiging wise na gamit ng nasabing cell phone sa paggawa ng music, video, at performances na idea.

Sa kasalukuyan ang Maybe This Christmas hatawa sa Billboard Canadian Album chart.

Trending din ang kanta niya sa anak na si Noah. Matatandaang na-diagnose si Noah ng kanser na Hepablastoma. Ito ay isang hindi karaniwang liver cancer. Pero super proud si Michael dahil matapang na nalampasan ng kanyang anak ang pinagdaan nitong surgery, chemotherapy, at radiotherapy at ngayon ay isa nang cancer-free ang anak.

Alyssa Valdez, magtuturo sa Canada

Wow three birds in one bullet pala ang bakasyon ng Cool Smashers team sa Vancouver at Winnipeg dahil nagho-host sila ng special skills camp doon para sa aspiring players na gusto pang pagbutihin ang kanilang paglalaro sa larangan ng volleyball. Kasabay na rin ng kanilang pa-greet and meet ng kanilang fans.

Kaya panay ang paalala ng fans na mag-ingat din sila sa kanilang exhibition game na sana ay walang mapilayan sa grupo. Lalung-lalo na sina Alyssa Valdez, pati sina Jema Galanza, Tots Carlos, at iba pang miyembro nito.

Mas nag-alala ang fans para kay Alyssa na ang panalangin nila na hindi ma-injure.

 Wish din ng mga ito na magdaos din dito sa ‘Pinas ng special skills camp ang Creamline team upang makapag-train din ng aspiring players na mga kabataan mula sa turo ng kanilang idol sa Cool Smashers.

Samantala, maganda ang pagtatapos ng taon ni Alyssa dahil ang mukha at pictures niya ang magsasara sa pahina ng Cosmopolitan magazine para sa December issue. Siya lang naman ang pinili ng lifestyle magazine na itampok upang ipakita ang iba’t ibang anggulo nito sa loob at labas ng volleyball court. Nakabalandra rin ang malaking standee picture niya sa lahat ng outlet ng isang bangko sa buong bansa.  

Show comments