Nag-anniverary na pala ang break-up nina Kim Chiu and Xian Lim.
Matapos ang ilang buwan ng espekulasyon, kinumpirma ng Kapamilya actress na hiwalay na sila ng longtime partner na si Xian Lim.
December 23, ‘yun noong isang taon.
Sa isang emosyonal na post sa Instagram, inihayag ni Kim na naghiwalay na sila ni Xian pagkatapos ng halos 12 taong relasyon, na tinawag itong “end of a love story.”
Ayon kay Kim, mutual decision ang breakup.
Well, ganun kabilis ang panahon.
May ibang hindi pa nakaka-move on sa kanilang hiwalayan.
Pero kanya-kanya na silang buhay at zero percent pa raw sa kasalukuyan ang posibilidad na maging magkaibigan man lang sila.
Busy ngayon si Kim sa Valentine presentation ng Star Cinema na pinagbibidahan nila ni Paulo Avelino, ang My Love Will Make You Disappear.
Dominic, naging in demand sa probinsya
Parang hindi na lang dating stage sina Dominic Roque at Sue Ramirez.
Mismong si Dominic ang nagsabi na magkasama pa sila sa Pasko.
“Yes, magkasama naman. With families also. I mean, magkahiwalay kami ng families and then we might see each other,” aniya sa isang quick interview nung dumalo nga siya sa red carpet premiere ng The Kingdom kung saan sabay sila na dumating ni Marco Gumabao.
Kasama sa pelikula sina Cristine Reyes and Sue.
Sa ngayon daw ay kinikilala pa nila ang isa’t isa, sabi pa ng actor na na-motor that night dahil may ibang event daw siyang pupuntahan.
Pero sa totoo lang, ang bongga ng mileage ni Dominic dahil sa naging break up nila ni Bea Alonzo at itong pagdi-date nila ni Sue. Naging in demand na rin siya sa mga provincial show.
Carla nanghihingi ng awa sa mga kumakain ng aso
Nagmamakaawa si Carla Abellana para sa mga hayop particular na sa mga aso at baboy na nakunan na nasa ibabaw ng isang jeepney sa walang binanggit na probinsiya at hitsurang kakatayin.
Kalakip ang photos na nasa ibabaw ng jeepney at isang sulat ng panawagan ng isang organisasyon ng mga nagmamalasakit sa mga hayop na : “Alam kong Pasko na, pero sana wag natin kalimutan magkaroon ng pagmamalasakit, respeto, at higit sa lahat, AWA, para sa mga hayop na may karapatan sa batas pero walang kalaban-laban.
“Wag din po sana natin kalimutan na ILIGAL ang pagpatay ng mga aso at pusa. Parang awa niyo na po. Wag po. Bukod sa bawal, hindi din ito makatao. Hindi ito maka-dios,” kabuan ng post ng actress na kagagaling lang sa @f1 Abu Dhabi Grand Prix.
Samantala, totoo kayang may ‘something’ sa kanila ni Bea Alonzo? Pareho silang bida sa drama series na Window’s War.
May coldness na raw sa kanilang ‘friendship?’ Tanong lang naman kung totoo ‘yung narinig ko.
Kuya Kim, adik sa exercise
Masaya at proud ang 57-year-old na si Kuya Kim Atienza na wala siyang maintenance medication.
Aniya, exercise lang ang maintenance niya. Wala siyang mga iniinom na gamot.
Pero 13 years na siyang umiinom ng barley na siya ang brand ambassador - Sante Pure Barley International - isang leading provider ng premier health at wellness products.
Kwento ng Kapuso host, ang health journey niya ay nagsimula isang taon matapos siyang ma-stroke taong 2010. Malaki umano ang naitulong ng pag-inom niya ng Sante Barley dahil hindi lamang ito masarap kundi hitik pa sa nutrisyon at bitamina na kailangan ng katawan.
Sante lang umano ang kumpanya na mismong naggu-grow ng sarili nitong pure organic barley grass sa ekta-ektaryang farm sa New Zealand.
Pero pagdidiin ni Kuya Kim, “Ang Sante Barley is not a cure for stroke, you will not get well. But it will help you avoid stroke or cardiovascular attack from happening because it is rich in nutrients, antioxidants, fiber and many other benefits.
“Actually, my health journey started a year after my stroke. A year after my stroke, I started marathon running. That’s when I met Joey (Marcelo). We started training together. So ayan, now it’s part of my fitness health regimen, to drink Sante.”
Match made in heaven, walang iwanan hanggang sa huli.
Ganyan umano ang partnership nila ng Sante.
Kamakailan nga ay muli nilang sinelyuhan ang 13-year na pagsasama sa renewal ng contract na ginanap sa Pandan Asian Cafe kasama, siyempre, si Kuya Kim at ang Sante executives na sina Joey Marcelo (CEO), Eric Maranan (chief finance officer), Minette Carag (board member), Karen Marcelo (finance director) at Paul Caluag (managing director – Asia 1).
Ayon kay Joey, hindi lang endorser ang turing nila kay Kuya Kim kundi parte na ng pamilya.
Nagkakilala umano sila 13 years ago dahil sa common passion nila na triathlon. Maliban sa naturang sport activity, magkasama rin ang sila sa iisang church.
Patuloy ni Joey, “For us, it’s more than just endorsement. It’s about sharing the same passion. And true enough, right now, he’s been an inspiration sa entire Sante family. We’ve been encouraging our team, not only in the Philippines but even OFWs, to have an active lifestyle.
And I think si Kuya Kim is parang an epitome of an active and healthy lifestyle.”
Bilang bahagi ng renewed partnership, isa si Kuya Kim sa mga artist na mangunguna sa bagong campaign ng Santé – ang Live For More.
Mula sa matagumpay na Live More. Do More initiative, ilalagay ng bagong campaign ang mensahe nito sa mas malawak na platform para mas marami pa ang ma-inspire na yakapin ang iba’t ibang posibilidad sa buhay.
First time...Pauleen, pinagmamalaki ang mabibigat na eksena ni Bossing
Proud misis si Pauleen Luna matapos mapanood ang mister na si Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom.
Well, dapat naman talagang maging proud ang dating Eat Bulaga Dabarkads/actress dahil for the first time ay lumabas si Vic sa kanyang comfort zone.
Seryoso ang entry ng MQuest Ventures, M-Zet Productions at APT Entertainment tungkol sa isang “uncolonized Philippines.”
Si Vic ang gumaganap bilang Lakan Makisig, ang hari ng Kaharian ng Kalayaan.
Sey ni Poleng sa kanyang Instagram post, “We are still on a #TheKingdom high! What a privilege to be able to watch this film first before the opening on Christmas day…. napaka HUSAY!!!! From opening to ending, everything was just on point. All the actors were brilliant, the editing and lighting was awesome, the lines, the set, the costume… the direction of @direkmike grabe lang! Kudos to the whole The Kingdom team for giving us viewers what we deserve! A significant, extraordinary and high quality film.. cannot wait to watch it again and again and again!
“To my dear husband, thank you for stepping out of your comfort zone and unleashing that true actor in you. You have made us all proud and beyond! You’ve surpassed our expectations and have made us believe that we are capable to do films like this!!. You were awesome!.! (I don’t think i’ll ever get over this).
“Congratulations The Kingdom! What an EPIC movie!
“In cinemas on Dec 25 2024. Can’t wait!!!!” pagtatapos ng maybahay ni Bossing.
Emosyonal naman si Bossing Vic na hinangaan sa kanyang pagganap sa The Kingdom.
Pawang mabigat ang kanyang mga eksena at bawat sagutan nila ng co-star na si Piolo Pascual (bilang outcast na si Sulo), ay waging-wagi.
Palong-palo ang bawat linyahan, tagos at sapul sa puso.
Malakas na malakas ang laban ng pelikula para sa Best Screenplay, Best Director, Best Picture, Best Actor at acting awards sa Gabi ng Parangal na magaganap sa December 27, Solaire Resort Ballroom.
Siguradong marami ring makaka-relate at madadala sa mga eksena rito dahil kahit fictional ang Kaharian ng Kalayaan, very relevant at timely naman ang mga ganap sa buhay ng mga karakter.
In terms of family drama, ramdam mo ang bigat ng dinadala ni Lakan Makisig dahil sa nangyayari sa kaharian at sa loob ng kanyang tahanan.
Pero ang pinaka-highlight ng movie? Ang paghaharap nina Bossing Vic at Papa P.
Pareho kaya silang ma-nominate sa Best Actor category?