Aminado si Vic Sotto na may pagkukulang siya talaga sa kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Vico and Paulina habang lumalaki ang mga ito.
Nagkaroon ng heart-to-heart interview si Bossing Vic kay Toni Gonzaga sa Toni Talks vlog ng huli at dito ay isa sa naitanong sa kanya ang pagiging ama.
Tanong ni Toni, “Paano niyo na-manage yun pagiging ama eh araw-araw kayong nagtatrabaho all your life?”
“Yan yung isa sa mga - I won’t say regret - with Danica, Oyo, Vico, si Paulina. I just have to give credit to the mothers of my children. Swerte lang ako na mababait ‘yung mga ina, magagaling magpalaki ng mga anak,” ani Vic.
Si Danica and Oyo ay anak ni Vic sa kanyang first wife na si Dina Bonnevie habang ang Mayor naman ng Pasig na si Vico ay anak niya kay Coney Reyes. Si Paulina naman ay anak niya sa singer na si Angela Luz.
Ayon kay Bossing, habang lumalaki raw ang mga ito ay hindi siya parating nandiyan 24/7 pero maipagmamalaki naman niyang good provider siya.
“Kasi ako naman, I cannot be there 24/7 to be a father. I can only provide. In fairness to me naman, hindi ako nagkulang sa pagiging provider. ‘Yung being there, na nandu’n ka every step of the way, ‘yun guilty as charged ako du’n,” he said.
Naranasan lang daw niya talagang maging ‘present’ father sa panganay nila ni Pauleen Luna na si Tali.
“Ilang taon ‘yung pandemic? Two years? Ayun, araw-araw, nasa bahay ako. Nakita ko ‘yung mga first steps ni Tali, first words niya, milestones niya nun’g lumalaki,” sey ni Bossing.
Puring-puri naman niya ang misis niyang si Pauleen dahil very hands on daw hindi lang sa dalawa nilang kids, kungdi maging sa iba pang nauna niyang mga anak. “She’s very hands on with our kids, and my other children. Nakita ko naman na na-appreciate rin naman ng mga anak ko ‘yung ginagawang pag-alaga ni Pauleen sa akin.Eh maaasahan mo talaga, eh. Sa lahat ng bagay,” aniya.
“I’m very contented and happy with her. Swerte lang na nagkatagpo ang landas namin,” dagdag pa niya.
MFY ng FranSeth, hindi peke ang magandang review
Totoo nga ang tsika ng mga kasamahang press na unang nakapanood ng screening ng My Future You na maganda nga ang movie.
Ang My Future You ay isa sa official entries ng 50th Metro Manila Film Festival at first movie together nina Francine Diaz and Seth Fedelin o FranSeth.
Napanood namin ang movie sa 2nd special screening na ginanap last Sunday at talaga namang pinahanga, pinatawa at pinaiyak kami ng pelikula.
Ang ganda ng story, ng direction, at higit sa lahat, ang acting ng FranSeth lalo na nga si Seth na may sariling style of acting na kanyang-kanya lang.
Heartwarming, inspiring at may puso ang movie na tumatalakay sa dalawang taong nag-meet sa dating app pero magkaiba ang kanilang timeline which is 13 years apart.
Ang bilis ng pacing at napaka-interesing ng story kaya naman hindi ka mabo-bore and will keep you glued in your seats waiting for the next scene. Gusto rin namin ang twist nito dahil may malaking aral na matutunan.
Hindi rin matatawaran ang chemistry ng FranSeth at bagay talaga silang dalawa. After this film, hindi na kami magtataka kung magkaroon pa ng mga kasunod ito.
Kudos to Direk Crisanto Aquino na siyang nagdirek at sumulat ng pelikula dahil flawless niyang naipakita ang mensahe ng movie. Ang ganda rin ng theme song at bagay na bagay sa movie.
Showing na ang My Future You sa mga sinehan nationwide ngayong December 25, at rated G ito ng Movie and Television Review Classification Board.