Nadine, nairita sa pag-display sa namatay na elepante!

Christophe Bariou at Nadine Lustre
STAR/File

Dismayado ang Uninvited actress na si Nadine Lustre at karelasyon nitong si Christophe Bariou sa pag-taxidermy sa namatay na elepanteng si Mali at idinispley sa Manila Zoo kung saan ilang dekada itong nakakulong at naging atraksyon noong nabubuhay pa ito.

Sa magkahiwalay na post ay kinontra ng magkarelasyon ang ginawa kay Mali at deserve raw nito ng respeto at hindi i-display.

Ni-repost ni Nadine ang balita kung saan nga sinabing isinailalim ang elepante sa taxidermy na may caption na “Mali’s legacy deserves respect, not display. “Let her rest in peace!!!”

Habang ang Filipino-French businessman niyang boyfriend ay ni-repost ang mga comment ng mga taong hindi rin sang-ayon sa ginawa sa hayop na may caption na “Even after death, you choose not to show the minimal decency that Mali deserves, despite her lifetime of suffering. Shame on you.”

Halata nga ang pagkadismaya nila roon.

Sa isa pa niyang post ay may mensahe si Christophe kay Mali at sinabing “I hope you can still rest in peace, even as your body continues to be exploited after leaving this cruel world.” At sinabing “MALI THE SADDEST ELEPHANT DIED (broken heart emoji).”

Kilalang dedicated vegan at animal rights advocate si Christophe, at consistent nga sila ni Nadine sa kanilang adbokasiya at gumagamit lamang ng cruelty-free fashion products. Sinimulan ng aktres ang kanyang vegan lifestyle noong taong 2022 na impluwensya rin ng kanyang negosyanteng boyfriend.

Maraming netizen ang sumang-ayon sa kanila at nakaramdam ng awa kay Mali. Pinagkakitaan na raw ito noong nabubuhay pa, pati ba naman daw ang pagkamatay nito.

Show comments