Jose, ‘di pinag-ingay ang lovelife

Jose Manalo at Mergene Maranan

Bago pa man pumanaw ang asawa ng singer-comedian-host na si Jose Manalo na si Annalyn Santos nung January 2022 ay hiwalay na ang dating mag-asawa. Pero naging tahimik lamang si Jose sa  lovelife until sumabog ang balita na ikakasal na ito sa Boracay nung nakarang Dec. 17 sa kanyang longtime girlfriend na si Mergene Maranan.    

The couple got engaged last Dec. 2, 2024.

Walang nag-resist sa limang anak ni Jose na sina Myki (his doctor), Benj, Nico, Ai at Colyn na malaman nilang muling mag-aasawa ang kanilang ama.

Masaya ang mga anak ni Manalo na muli itong nakatagpo ng babaeng mamahalin at makakasama habambuhay na dating miyembro ng grupong EB Babes. 

Hilda, pala-walkout nung bata-bata pa

Nagbabalik sa kanyang acting career ang Los Angeles, California, USA-based award winning veteran actress na si Hilda Koronel after decades of absence matapos itong humarap sa ilang entertainment writers para ipaalam ang kanyang comeback movie project, ang Sisa, isang period war movie mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana with The IdeaFirst Company,  Quantum Films,Cineko Productions as co-producers.

Ang Sisa film project na nakatakdang simulan ni Hilda anyday soon ay ibang material sa Sisa ng librong Noli Me Tangere na sinulat ni Dr. Jose Rizal. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ilahok sa darating na 78th Cannes Film Festival in Cannes, France sa buwan ng Mayo 2025.

Kung matatandaan pa, ang Insiang movie ni Hilda nung 1976 kung saan niya mga kabituin sina Mona Lisa, Ruel Vernal at Rez Cortezang kauna-unahang Filipino film na ipinabas sa prestihiyong Cannes Film Festival at kung papalarin, ang Sisa ang magiging second movie ng actress na maipapalabas sa Cannes Film Festival.

Excited siya na simulan ang kanyang bagong proyekto lalupa’t matagal-tagal na ring panahong hindi siya nakakagawa ng anumang proyekto sa Pilipinas. Siya’y huling napanood sa 2012 movie na The Mistress kung saan niya nakasama sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo and the late Ronaldo Valdez. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ni Olivia Lamasan for Star Cinema. Du­ring this time ay sa L.A. na siya naka-base at dumating lamang siya ng Pilipinas to do The Mistress movie.

Ibinahagi rin ni Hilda na meron pa umanong ibang proyekto ang naka-line up for her na ayaw pa niyang i-reveal.

Samantala, inamin ng aktres na mahilig umano siyang mag-walk out noon kapag late na dumarating ang iba niyang mga kasamahan sa trabaho.

Ayaw na ayaw niya ang mga taong unprofessional na dumarating sa set nang late at hindi memoryado ang kanilang mga linya. Ito ang dahilan kung bakit suplada ang tingin sa kanya ng marami.

Siya ay isa sa mga baby ng yumaong award-winning director na si Lino Brocka na siyang nagpamana sa kanya ng magandang work ethics at professiona­lism.

Thirteen years old pa lamang siya noon when she was signed up ng Lea Productions na siya ring producer ng kanyang unang pelikulang sinalihan, ang Santiago na pinagbidahan ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr.

Except for his son Diego, ang iba niyang mga anak at mga apo sa iba’t ibang lugar ng Amerika nakatira.

Show comments