Archie, malapit nang arestuhin?!

Rita Daniela

Nag-file si Rita Daniela ng kanyang sagot sa counter-affidavit na sinabmit ni Archie Alemania kung saan, itinanggi nito ang mga akusasyon sa kanya ng singer-actress. Naging dahilan ‘yun para sampahan ni Rita si Archie ng act of lasciviousness na sinagot nga ni Archie.

Sa Jan. 7, 2025, naka-schedule si Archie na u­m-attend sa preliminary investigation na gagawin ng prosecutor sa Bacoor City. Sa nabasa namin, pagkatapos ng preliminary investigation at makapag-submit ng resolution, saka lang iaakyat sa Kor­te ang kaso.

Heto ang nakakatakot na parte kapag napatuna­yang may merit ang kaso, susunod daw ang pag-i-issue ng warrant of arrest. Hala ka!

Aabangan tiyak ang mga susunod na mangyayari sa kaso nila pagdating ng Jan. 7. Papunta na sa mas masalimuot na chapter ang kaso at aabangan din ang pagkikita nila kung sakaling magkademandahan na nga at magkakaroon ng hearing.

Vice Ganda, nagsalita sa utang ng Showtime!

Nauna nang itinanggi at nilinaw ni Atty. Annette Gozon-Valdes na may utang ang It’s Showtime sa GMA Network. Sa Tuesday episode ng noontime show ng ABS-CBN na umeere sa GMA-7,  itinanggi rin ni Vice Ganda ang isyung may utang ang kanilang show sa Kapuso Network.

Sabi niya, “Budgeted na tao dito, budgeted” na sinundan ni Vhong Navarro ng “Budgeted na tayo dito, umasenso na tayo.”

Sinagot ni Vice si Vhong ng “Let’s claim it na umaasenso tayo”at sinundan ng “At hindi totoong may utang ang It’s Showtime sa GMA.” Sumali sa usapan si Kim na nag-comment ng “Oo nga sino ba kasi nagpakalat nu’n?”

Sabi ulit ni Vice, “Bongga talaga ‘to si Miss Annette! I love you, Miss Annette. Huwag kayong mag-alala, may pamasko si Miss Annette.”

Sa isang interview kay Atty. Annette, nabanggit nitong 95 percent ang renewal ng It’s Showtime sa GMA 7. “Very soon” daw ang renewal of contract at walang utang ang noontime show.

Newbie actor, mabilis ang usad ng career

Mabilis ang pagsikat ng bagong Sparkle GMA Artist Centertalent na si Jay Ortega dahil sunud-sunod ang project nito. Katatapos lang niya sa Pulang Araw kung saan, pinatay ang kanyang karakter na si Akio, heto at may three projects na agad siya for 2025.

Kapipirma lang niya ng kontrata sa Sparkle, pasok na agad siya sa Sang’gre na bida si Bianca Umali. May episode rin siya sa Magpakailanman na siya ang bida at at baka nga bago magtapos ang December ay mag-taping na siya.

Kasama rin si Jay sa cast ng Samahan ng Mga Makasalanan, ang movie na collab ng GMA Pictures at film outfit ni Chavit Singson. Makakasama ni Jay rito sina David Licauco at Sanya Lopez na nakasama niya sa PA. So, walang adjustment na mangyayari sa kanila at kabilang din sa cast si Buboy Villar.

 

Show comments