Inatake ng anxiety Uge, nagkulong sa cabinet!

Inamin ni Eugene Domingo na nakaramdam siya ng burnout noong sunud-sunod ang mga trabaho niya sa TV at pelikula.

Dahil doon ay nagka-anxiety si Uge dahil nagpatung-patong ang pagod niya physically and emotionally.

“Work ka nang work, tapos breadwinner ka rin in a way, tapos parang kapag nag-wo-work ka, you give your all and then ma-i-involve ka pa sa mga intriga. Nagpatung-patong. Nakaka-exhaust,” sey ng award-winning comedian.

Minsan na raw nagtago sa kanyang cabinet si Uge para lang mapag-isa siya.

“I found myself hiding, literally, in the cabinet. Parang gusto mo lang ng katahimikan at space na walang iba kung hindi ikaw. Tinanggap ko na I was tired and should do something about it. So I wrote, I prayed because I had to talk to something more powerful than me. Minsan, tatanggapin mo rin na hindi ka ganoon kalakas.”

Sa panahon ding iyon ay nakilala niya ang Italian husband niyang si Danilo Bottoni sa isang film festival sa Italy. Naging balanse raw si Danilo sa kanyang buhay.

Sofronio, mina-manifest ang grammy

Sabik na raw umuwi ng Pilipinas ang kauna-unahang Asian at Filipino na manalo sa The Voice USA na si Sofronio Vasquez para makapiling ang kanyang pamilya sa Pasko.

“To all the Filipinos out there, maraming maraming salamat po sa suporta niyo. I can’t wait to go home and celebrate and bring the trophy,” mensahe pa niya.

Sunod na tutuparin na dream project niya ay ang kumanta sa isang malaking stadium at manalo ng Grammy Awards.

Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang coach, ang Canadian singer-songwri­ter na si Michael Bublé dahil sa payo nito na “just believe in the process and not rush everything.”

Home alone actor, mas inuna ang anak kesa sa bahay na pinasikat

Binalak pala ni Macaulay Culkin na bilhin ang bahay kunsaan kinunan ang pelikula niyang Home Alone noong 1990.

Ayon sa 44-year-old former Hollywood child actor, nakita raw niyang listed for sale ang bahay for $5.25 million at kung bibilhin niya, may kakaibang plano raw siya para rito.

“I had half a mind to buy it — just for giggles. I don’t plan to move into the property.  Instead, I would turn it into something just as iconic as the 1990 film, a movie fun house where people could reenact scenes like the one where my character, Kevin McCallister, sleds down the stairs.”

Pero napigilan daw siya dahil may dalawang anak na raw siya at ‘yung ipambibili niya sana sa bahay ay para sa future education ng mga anak.

Culkin was 10 years old noong maging super child star siya dahil sa success ng Home Alone at nagkaroon ng Home Alone 2 in 1992.

Show comments