Nagtataka ang isang hunk male personality na sumikat dahil sa gandang lalaki at pangangatawan kung bakit panay ang like sa posts niya ng isang male singer.
Minsan lang nagkita si hunk personality at male singer na kloseta sa isang event kahit halata naman ng taga-showbiz na accla siya, huh!
Hindi lang isa o dalawang beses ang likes nito dahil nga nagkapalitan na sila ng number at Facebook name.
Walang masyadong inkling si hunk personality na accla ito. Kilala naman niya ito pero hindi pumapasok sa isipan ng accla si singer.
Eh nang matanong ni hunk personality sa kaibigan sa showbiz tungkol kay male singer, nalaman niya ang tunay na kasarian nito.
Wala namang pakialam sa hunk personality kung accla ang singer o hindi. Basta hanggang sa social media lang ang boundary niya!
Heaven at kiko, wala nang personalan!
Kung mapapansin ninyo, kasama pala ni Heaven Peralejo sa TV5 series niyang Lumuhod Ka Sa, Lupa, ang ex-boyfriend niyang bida ng series na si Kiko Estrada.
Eh hindi naging maganda ang hiwalayang Kiko at Heaven noon. Pero after ilang years, move on na si Heaven at boyfriend na ngayon si Marco Gallo.
“Work lang naman ang pagsasama namin. Gusto ko ang role ko and I want to give justice to the character. Okay na kami pero hanggang work lang. Sabi nga, walang personalan. Work lang,” pahayag ni Heaven sa guesting niya sa Marites University.
Sa totoo lang, kasama rin sa Viva series ang boyfriend niyang si Marco at wala namang naging problema sa aktor.
Abangan ninyo sa Marites University ang kabuuan ng interview namin kay Heaven.