Hindi inaasahang magkakasama sina Sharon Cuneta at asawang si dating senador Kiko Pangilinan sa Malacañang kasama si PBBM at First Lady Liza Araneta Marcos kung saan inalala pa ni Sharon ang panahong madalas siya sa Malacañang kasama ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating first lady Imelda Romualdez Marcos.
Naalala pa niya na ninang nila sa kasal ni Gabby Concepcion ang first lady noon, na nagkataon namang nasa abroad noong sila ay ikasal, kaya ang nagtungo roon ay ang dating Pangulong Marcos na sumama pa hanggang sa reception sa Philippine Plaza.
Dumating ang president at nakipagsiksikan sa napakaraming tao sa Manila Cathedral. At sumama pa hanggang sa reception sa Philippine Plaza. Narooon din ang lahat halos ng mga matataas na opisyal ng Metro Manila. Halos lahat ng mga mayors andun.
Janice ayaw sumawsaw kay John!
“Ay wala akong pakialam diyan,” ang sabi lang ni Janice de Belen nang tanungin siya tungkol sa controversy ngayon ng dating asawang si John Estrada at Priscilla Meirelles.
Tama namang hindi na makialam si Janice, iniwan na siya si John, maayos naman ang buhay niya kahit na mag-isa niyang itinataguyod ang kanilang mga anak, bakit pa ba siya hahanap ng sakit ng ulo?
Kung makikialam ba siya ay babalik sa kanya si John? O kailangan pa ba niyang sumawsaw sa isyu.