Erich, nanganak na ba?!

Erich

Totoo nga kaya ang usap-usapan na nagkaanak na ang aktres na si Erich Gonzales sa mister nitong businessman na si Mateo Lorenzo?

Siya ang hula sa mga blind item tungkol sa isang celebrity na nanganak na mas pinili ang private life.

Sinasabing mula sa pribadong pamilya ang napangasawa nito na anak ng business tycoon na si Martin Ignacio Lorenzo at misis nitong si Maria Leah De Leon.

Kahit nga ang wedding nila ay nilihim nila at kumalat lamang ang tungkol dito dahil sa kanilang wedding banns.

Taong 2022 nang ikasal sila ng negosyante.

Hindi rin nag-post ang aktres ng wedding photos nila at ang kamag-anak lamang ng mister niya ang nag-post ng litrato ng mag-asawa habang nasa altar sila.

Tingin ng mga netizen ay sila ang tinutukoy sa mga blind item na isang couple na nagkaanak na madalas bumiyahe sa Europe at kasama na raw nila ang baby nila.

Kung meron man ay mas pinili nga nilang ilihim ito. Hindi na rin masyadong aktibo si Erich sa social media at paminsan-minsan na lamang mag-post.

At kung totoo ngang nanganak na ito ay wala sa katawan nito na hanggang ngayon ay seksi pa rin.

At siyempre lakas nga raw maka-old money rich ng aura nito ngayon at ang expensive raw nitong tingnan. Bongga.

Show comments