Nag-sign off na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa mga karakter nila sa Hello, Love, Goodbye at Hello, Love Again na sina Joy Marie Fabregas at Ethan del Rosario. Nalungkot ang KathDen fans dahil ang feeling nila, hindi na muling magsasama sa pelikula ang dalawa.
Pero, may mga naniniwala na ang story lang nina Joy at Ethan ang nagtapos na ang ibig sabihin, walang part three ang Hello movies nila. Tiyak silang magtatambal pa rin sina Kathryn at Alden, pero ibang pelikula na dahil sayang nga naman kung hindi na sila magtatambal pa eh, milyon at bilyon ang box-office gross ng two movies nila.
May mga nagre-request na kung magtatambal uli sila, sana two to three years pa para hindi magsawa ang fans.
Anyway, last Friday, may pa-special screening ang Megaworld sa HLA na ginawa sa Uptown Mall sa Taguig City. Invited sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Senate President Chiz Escudero, senators Pia Cayetano, Grace Poe, Alan Peter Cayetano and his wife Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Nakakaloka na sina Alden, Atty. Annette Gozon-Valdes at ang GMA ang sinisi ng fans ni Kathryn. Bakit daw nila inimbita si First Lady, eh alam naman na Kakampink si Kathryn.
Hindi nagbabasa ang fans ni Kathryn dahil kung nagbasa siya, nalaman sana niya na ang Megaworld ang nagpa-special screening at sila ang nang-imbita ng guests. Nag-react tuloy ang fans ni Alden, bakit daw puro si Alden ang sinisisi, gayung isa rin lang siya sa imbitado.
Juday at Piolo, nagbeso-beso
Tuwang-tuwa ang netizens na nakapanood ng video ng interaction nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na nangyari sa Christmas Special ng ABS-CBN sa Smart Araneta Coliseum. Sa video, nagkukuwentuhan ang dalawa and later on, lumapit si Piolo kay Judy Ann at bineso ang aktres.
Wish ng netizens, sana ang kasunod nang pagkikitang ‘yun ng dalawa ay ang kanilang reunion movie na kapag nangyari, baka umabot din sa P1B ang gross.
May nagpa-update nga at nagtanong kung ano ang nangyari kina Judy Ann at Piolo at hindi na muling gumawa ng pelikula? Isa pang tanong ng netizens, puwede pa kaya silang magsama sa isang project.
Anyway, inilabas ng Quantum Films ang second poster ng Espantaho na mas nagustuhan ng netizens. Gusto na tuloy ng fans mapanood ang pelikula ni director Chito Roño dahil sa poster at sa interview kay Judy Ann at sa ibang cast ng horror movie na entry sa 2024 Metro Manila Film Festival.
Rufa Mae at Mister, magdidiborsyo na
Naka-private ang Instagram account ni Trevor Magallanes, ang husband ni Rufa Mae Quinto, hindi lang kami sure kung noon pa naka-private ang IG nito o ngayon lang na may isyu sila ni Rufa Mae.
Sa isang post ni Trevor sa kanyang IG Story na may nakapag-screenshot, tila lumamig na ang ulo nito. Hindi na niya minura si Rufa Mae, pero ramdam na galit pa rin siya sa soon-to-be his ex-wife. Ex dahil didiborsyohin daw niya si Rufa Mae. Ipinaalam niya ito sa kanyang post.
“Hey guys,
“I felt like i need to explain myself based on social media and all that.
“I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce. You maybe aware divorce can be very devastating to the children and also to the parents. That being said my marriage has been a shit show and I am sorry for that.
“All that matters me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena.
“Happy holidays!”
Wala pang reaction si Rufa Mae sa bagong post ni Trevor, pero ready naman yata siya sa mangyayari.