Maris, nilaglag ni Janus!

Maris Racal
STAR/File

Nakahanap ng kakampi si Anthony Jennings sa katauhan ng kapwa-aktor na si Janus del Prado.

Sa kanyang post sa Threads kahapon, pinuri ni Janus ang apology ni Anthony habang tila nagpasaring naman siya kay Maris Racal sa pag-iwan nito sa ere sa aktor.

Ipinost ni Janus ang larawan ni Anthony na malungkot na malungkot ang mukha na kuha mula sa apology video nito.

“Yung mukha mo nung iniwan ka niya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus nung nagkabukingan na,” simula ni Janus na tila pinapatamaan si Maris.

Kasunod nito ay pinuri niya ang ginawang apology ni Anthony na wala itong ibang taong sinisi at hindi nagpa-victim.

“Di man ako agree sa ginawa niya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology. Straight to the point. Walang sinisi na iba.

“Di ginamit yung mga gasgas na palusot na “Pasensya na tao lang kagaya niyo” at “Di ako perpekto kasi walang taong perpekto”. In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa niya. Di siya nagpavictim to avoid accountability. Sana all,” papuri ni Janus kay Anthony.
Matatandaang sa video apology ni Maris na inilabas last Friday ay ini-reveal niya na ang sabi sa kanya ni Anthony ay wala na sila ng non-showbiz girlfriend nito na si Jam Villanueva.

Ayon pa sa aktres, ilang beses siyang nagmakaawa kay Anthony na mag-release na ng statement na wala na sila ni Jam pero huli na raw nang gawin ng aktor.

Sinabi rin ng aktres sa apology video na hindi siya perpektong tao at nagkakamali rin siya.

May mga umayon namang netizens sa opinyon ni Janus pero may mga kumontra rin naman at sinabing lalaki rin daw kasi ang aktor kaya ipinagtatanggol ang kabaro.

Matteo, kinayang iwan nang matagal si Sarah

Proud na ibinahagi Matteo Guidicelli na full support naman daw ang misis niyang si Sarah Geronimo sa pag-aaral niya sa Harvard Business School sa Boston kamakailan.

“She’s full support so I’m so happy. I can’t believe this is happening. A dream come true, actually to be in the Harvard area, not in my wildest dreams. I guess we’re here,” saad ni Matteo sa kanyang latest vlog kung saan ay idinokumento niya ang kanyang journey sa Harvard.

“It’s my second time in Boston. The last I was here was maybe more than 10 years ago so it’s very, very new to me,” aniya.

Ilang linggo ring nananatili sa Boston si Matt at sa isang bahagi nga ng video ay sinabi niyang nami-miss na niya ang kanyang asawa.

“I wish the wife was here, I miss Baba (Sarah) so much,” aniya.

Mapapanood din sa isang part na ka-video call niya si Sarah.

Isa sa ikinatuwa ng aktor sa kanyang buong journey ng pag-aaral ay ‘yung makasalamuha niya ang iba’t ibang nationalities around the world.

“Being part of a diverse group of 88 participants from 31 nationalities and 27 industries was both inspiring and eye-opening. Engaging with such accomplished peers and working through case studies with renowned professors and authors like Max Bazerman, Deepak Malhotra, and Guhan Subramanian was invaluable,” pagbabahagi niya.

Para sa aktor, isang unforgettable experience sa kanya ang naging journey niya sa Harvard kung saan nga ay nag-take siya ng business programming course.

“This place has been very, very beautiful. Connections we made, professors we’ve listened to and learned from, amazing. Really top-notch and I really appreciated everything – the learning experience, the camaraderie we built with all the classmates, the beautiful Boston...

“I wish to come back in the future and I highly recommend this to everybody out there. They have different courses, so many courses to choose from and it’s really good,” pagmamalaki ni Matteo.

Show comments