MANILA, Philippines — Wala na bang Facebook page ni Maris Racal?
Kahapon nga ay hindi na ito makita ng ibang netizens.
Hinahanap nila hoping na magkakaroon ng update o masisilip man lang kung ano nangyayari sa actress, pero wala raw. Hindi makita.
Bugbog na bugbog sa bashers sina Maris at Anthony Jennings hanggang ngayon matapos na ikalat ng ex ni Anthony na si Jamela Villanueva ang resibo ng diumano’y relasyon nila.
Pero mas marami na ngayong nagagalit kay Anthony dahil totoo bang kaya ‘di nito binubura ang mga palitan nila ng messages ni Maris ay dahil pinapakita niya ang mga ito sa ibang friends niya?
Awss. So kawawa si Maris na parang siya pa ang mas na-fall sa actor?
Hindi na sumipot kagabi sina Maris at Anthony sa ginanap na media conference ng And The Breadwinner Is... starring Vice Ganda na official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Trending pa rin si Maris hanggang kahapon ganundin ang ex niyang si Rico Blanco na pulos papuri ang natatanggap dahil wala raw itong sinabi sa kabila ng mga nangyayari. Sabi nga nila a true gentleman chooses to stay silent.
Nakakahinayang lang ang career ng MaThon, pero mabilis namang makalimot ang mga Pinoy.
Topakk, may dalawang version
Bongga ang pelikulang Topakk starring Arjo Atayde and Julia Montes.
“Basta ang daming eksena na pagdating sa mga dugo, gilit ng leeg, lahat ‘yun, ‘yung mga nakakatakot na mga action, kailangan mong bawasan ‘yun or tanggalin. Pero, ‘yung story, hindi nasakripisyo. Andun pa rin action. ‘Yun nga lang, kung first time kang nakapanood at nasa SM ka, okay lang. Like, ako kasi napanood ko ‘yung buo eh. So, hinahanap ko.
“Actually, meron pa kaming X. ‘Yung sa abroad. Abroad ‘yun. Mas matindi ‘yun,” paliwanag pa ni Sylvia Sanchez sa kanilang dalawang cut ng pelikula.
Sa totoong buhay ba anong topak ng isang Sylvia? “Ah, ‘pag nagutom. Sorry pero tawag ko sa sarili ko, PG (patay gutom).”
Pero si Arjo anong topak niya? “Alam mo honestly, hindi dahil anak ko ‘yan. Hindi ko nakikita nagagalit ‘yan. Sa buong buhay niya. Sa totoong buhay niya, nakita ko lang siya twice nagalit. ‘Yun pa lang.”
Si Maine (Mendoza), anong topak? “Ay hindi ko alam. Tanungin natin. Baka magkamali ako ng sagot e. Basta I love Maine, mabait siya.”
Kumusta na ang apo niya kina Zanjoe Marudo and Ria? “Sunday ko na lang nakikita, pero araw-araw kong bini-video call ‘yun.”
Pero sabi nga niya na ingat sila ‘pag lumaki ang apo : “Kukunin ko ‘yan. Akin ‘yan,” sabay tawa ng bagong lola.
At ang Christmas wish niya sa mag-asawa, “more, more, more, more, more kids. Marami pang anak. Para maka-arbor ako. Kahit isa lang,” natatawa pa niyang sagot ng ina nila Arjo na producer ng Topakk.
“For Maine and Arjo, mahalin ninyo lalo ang isa’t isa. Huwag ninyong pabayaan ng sarili ninyo. At kailangan n‘yong bigyan ng time ang isa’t isa. Pareho kasi silang busy.”
Aicelle, emosyonal ‘pag si Ate Guy ang usapan
Nakatatak na kay Aicelle Santos ang naging karanasan sa Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Taong 2018-2019, sa Isang Himala musical play nung panoorin sila ni Ate Guy. “Yes po, nanood si Miss Nora Aunor sa amin, at naalala kong niyakap niya kami, nangingilid ang kanyang luha. At may litrato ako, may ebidensiya, na magkahawak kami ng kamay, na kilig na kilig po ako.
“Ang naalala ko pa na sinabi niya, na nanumbalik lahat sa kanya, nung kanilang ginawa ang Himala.
“And from that, I took it as a blessing, as a yes, sa ginawa namin,” emosyonal na pagbabalik-alala ni Aicelle sa ginanap na presscon para sa pelikulang Isang Himala na official entry din sa Metro Manila Film Festival, at dinirek ni Pepe Diokno.
Kaya naman mas lalo siyang naging emosyonal dahil may special participation pa ang original Elsa sa pelikula na bubuhayin niya rito.
“Oo, talagang full support si Ate Guy sa project na ito,” dugtong ni National Artist Ricky Lee na orihinal na nagsulat ng kuwento ni Elsa.
Pero bitin pa kung anong magiging partisipasyon ni Ate Guy sa pelikula.
Ayaw naman ni Aicelle ikumpara ang pagganap niya sa ginawang pagganap ni Ate Guy sa classic version nito.
“Kung iisipin ko kung paano ba pinerform ni Miss Nora ang role, tapos ikukumpara ko kung paano ko rin ba gagawin, kung gagayahin ko ba siya o iibahin? Sa tingin ko po hindi maganda, as an actor, na ‘yun ang pagbasehan ko, kung ano ang ginawa ng nauna sa iyo. Kaya lagi kong sinasabi na balikan ang script, balikan ang karakter, balikan ang mga kaeksena mo dahil ‘yun ang bubuo ng kuwento.
“Doon mas makikita ng viewers kung sino ba talaga si Elsa. Kung ano ang kaibahan sa musical noon at dito sa pelikula? Noong musical kasi, wala kaming mga lapel, at boom mic lang.
“So, sa musical, sinabihan kami na kumanta na hanggang marinig ng tao na nasa pinakadulo.
“Sa film naman, tinanong namin si Direk Pepe, coming from theatre, na alam mong medyo malaki ang mga mata namin, naka-project ang singing…pero sa pelikula, naku-conscious kami sa camera.
“So, sabi ni Direk Pepe, ‘Sino ba ang kausap mo? Sisigawan mo ba ang kausap mo kapag magkaeksena kayo?
“So you stick to your truth. You stick to the story, the message, of the film,” mahabang sagot ng singer/actress.
Umaasa naman sila ng himala sa takilya.