Julia, napako

Julia

Na-reveal sa mediacon ng Topakk last Wednesday na nagkaroon pala ng aksidente si Julia Montes sa shooting habang ginagawa ang isang action scene.

Napako ang tuhod ng aktres sa isang eksena na kinailangan niyang lumuhod sa sahig.

At bilang professional actress, kahit napako na ay tinuloy pa rin daw ni Julia ang eksena.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meetup namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay.

“Eh nahiya naman akong i-cut (‘yung eksena) para sabihin na ‘teka lang napako ako,’ so ang ginawa ko dahil intense ‘yung eksena, nu’ng wala sa akin ‘yung camera, hinugot ko na lang ‘yung ano (pako) sa tuhod ko and then, go on,” kwento ni Julia.

Nagpa-tetanus shot naman daw ang aktres pagkatapos ng aksidente at okay naman daw na.

When asked kung ano ang naging reaksyon ni Coco Martin sa mga buwis-buhay na action scenes niya, ayon sa aktres ay proud naman daw ito.

“‘Yung original manager ko (Coco), proud,” nakangiting sabi ng aktres. “Siyempre, proud siya kasi siya rin naman ang isa sa nagturo sa akin kung papaano… hindi naman gumalaw lang, eh. Parang kung paano ‘yung safety.”

Dagdag pa niya, “‘yung mga safety tips na itinuro niya (Coco), nagamit din naman naming lahat.”

Anu-ano naman ang safety tips na ibinigay ni Coco sa kanya?

“Siyempre ‘pag may mga baril, automatic ‘yan, laging mag-iingat kasi meron pa ring mga sparks na lalabas diyan. Kapag mga action, huwag masyadong in the zone.

“Kasi minsan, kaming mga artista ‘pag nag-e-enjoy kami, minsan gusto namin, kami na ang gagawa para kuha na ‘yung shot. Ganun namin kamahal ‘yung trabaho, minsan nakakalimutan namin na teka lang, are we ready ba talaga or equipped to jump, or… ‘di ba, hindi natin maiiwasan na may accident?” sey ni Julia.

Directed by Richard V. Somes, ang kwento ng Topakk ay tungkol sa isang security guard (played by Arjo Atayde) na may PTSD at na-trigger ang kanyang trauma while protecting an accused drug mule (played by Julia).

The ensemble cast also include Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, and Geli Bulaong.

Produced by Nathan Studios, Fusee, and Strawdogs, Topakk is showing on Dec. 25, 2024 as one of the official entries to the 50th Metro Manila Film Festival.

It should also be noted na na-showcase na rin sa iba’t ibang international festivals ang Topakk from Cannes to Locarno, Switzerland to Austin, Texas.

Bilang isa sa producer ng Topakk, proud na proud si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios sa pelikula at sa napakahusay raw ba performance ng buong cast. Special mention niya nga si Julia Montes na nagpamalas daw ng kakaibang husay sa action.

“Honestly, mayroong nakita ang Nathan Studios na bagong action queen. Mark my word, si Julia, isang movie pa, ‘yan na ang magiging bagong action queen,” deklara ni Ibyang.

Makikita naman daw sa pelikula ang mga ginawa ni Julia na buwis-buhay talaga. At ayaw raw magpa-double ng aktres.

“Makikita n’yo do’n, may isang eksena na talagang tumalon siya, siya talaga ‘yun. Na nakabitin siya, siya talaga ‘yon,” aniya pa.

Inanunsyo nga rin ni Ibyang na ngayon pa lang ay may follow-up movie na ang Nathan Studios for Julia.

“Basta mark my word, next year si Julia ang bagong action star at gagawin namin, mayroon na kaming follow-up for Julia,” sabi ni Ibyang. Flattered naman si Julia sa sinabi ng kanyang producer.

“Ang sarap sa pakiramdam. Sinasabi ko nga kay tita (Sylvia) na sorang sarap sa pakiramdam na may naniniwala sa ‘yo. So, this time, kung sinusugalan ako ni tita, syempre, susugalan ko kung ano ‘yung pinaniniwalaan sa akin so ie-embrace ko ‘tong action na ‘to,” pahayag ni Julia.

Show comments