Angas ni Enchong, biglang lumabas!

First action film ni Enchong Dee ang Topakk, kaya malaki ang pasasalamat nito sa Nathan Studios at sa producer na si Sylvia Sanchez sa chance at tiwala na kaya niyang mag-action. Pasalamat siya na nakita ni Sylvia na hindi lang siya pang-drama at pang-rom com, kaya rin niyang humawak ng baril.

Sabi naman nito, “binigyan ako ng trabaho, gagawin ko. Scout ranger ang role ko rito, ang sarap sa pakiramdam. Maangas ako rito at hindi ko nakita ang sarili ko na maangas sa mga ginawa kong project, dito lang sa Topakk at kaya ko pala,” masayang kuwento ni Enchong.

Very proud siya na maging part ng movie at gaya sa ibang cast, hindi na nila iniisip ang pressure pagdating sa box-office gross. Naniniwala siya na kapag napanood ng moviegoers ang movie, magkakaroon ng word of mouth na maganda ang Topakk na grabe ang action scenes at proudly gawang Pinoy.

Proud si Sylvia sa cast ng movie, lahat daw magagaling, walang nagpaiwan sa action scenes man at sa drama scenes.

Nagpapasalamat si Enchong na every year, may movie siya sa Metro Manila Film Festival, four years na yata sunud-sunod, pero sa Topakk siya manggugulat.

Lolit at Cong. Lito, naging BFF sa scam 

Ang sarap at ang saya makinig sa pa-throwback na kuwento nina Cong. Lito Atienza at Lolit Solis kung paano nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan. Nagsimula ito after ng 1994 Metro Manila Film Festival fiasco na kinasangkutan ni Lolit at ang anak ni Atienza na si Kim Atienza ang naging daan para sila magkakilala.

Kuwento ni Lolit, dinala siya ni Kim sa Manila City Hall at para hindi siya makita ng mga tao at iiwas sa galit, pambo-boo o baka may mambato, idinaan siya sa isang secret door na noon lang niya nalaman.

Nagkausap nga sila ni Atienza at sabi naman nito, hindi siya papayag na masaktan si Lolit. Mula noon, hanggang ngayon, magkaibigan pa rin ang dalawa at bilang ni Lolit, dalawang dekada o mahigit pa ang kanilang friendship.

Tuwing may nais ipabatid si Atienza tungkol sa kanyang political career at kahit noong nasa DENR (Department of Environment and Natural Resources) siya, si Lolit ang kanyang tinatawagan para makausap ang press. Gaya ngayon na muli siyang tatakbong Kongresita sa ilalim ng Buhay Partylist na kanyang itinatag noong 1999.

Naniniwala siya na mas may magagawa siya bilang Kongresista kesa ibang government position. May mga ipapanukala siyang batas, pero prayoridad pa rin niya na hindi makapasa ang Divorce Bill at Abortion Bill. Ang Buhay Partylist ay anti-divorce at anti-abortion.

Kasamang humarap sa press ni Atienza si Carlos Sario, ang third nominee sa Buhay

Partylist.

Rufa Mae, kalmado na!

May tweet si Rufa Mae Quinto na “Ok na... keep calm and carry on!” na ang feeling ng mga nakabasa ay patungkol sa isinampang kaso sa kanya.

Natuwa ang netizens sa tweet na ito niya at ang iba ay nagbigay ng payo sa kanya. ‘Wag daw siya labas nang labas at baka mahuli siya. May nagpayo pa na umuwi muna siya sa Amerika para wala siyang problema.

Show comments