Aga, ayaw nang magpakilig!

Aga Muhlach

Tanggap na ni Aga Muhlach na tapos na siya sa pa-loveteam o gumawa ng mga love story, dahil na rin sa edad niya.

Nung tinanggap daw niya ang Uninvited kasama sina Vilma Santos at Nadine Lustre, nagpasalamat siya dahil anak niya rito si Nadine at hindi love interest.

“I cannot anymore. Parang hirap na ako gumawa ng mga ganung istorya na, you’re being paired with a young generation, it’s really hard,” bulalas ng aktor nang makapanayam namin bago nagsimula ang grand launch ng Metro Manila Film Festival entry nila.

“I mean, it’s flattering, maraming salamat. But it’s difficult you know. So, when the film was offered, this is more parang I have the freedom now to do my thing, to be me. To be 55 and act me. So, it was easy for me to say yes,” pakli ni Aga.

“Kaya nung nagso-shoot kami dun ko na naramdaman na ah… kasi nung una hindi ako naniniwala na parang… nasanay ako na kapag Metro Manila Film Festival, it has to be light, wholesome. May Minamahal, Bakit Labis Kitang Mahal… tatatlo naman ang ginawa ko e, lahat ‘yan nag-top lahat ‘yan. Last was Miracle Number 7, so ‘yun ‘yung tema ng pelikula ‘di ba?

“Masaya. I really had fun doing this, kasi parang naglalaro ako e. I was given the freedom to do just you wanna do.

“Nadine has proved herself, and also my excitement to work with her also, my first time ano?

“Sabi ko nga, ‘Nadine, putsa buti hindi kita leading lady. Kasi kung lea­ding lady kita namomroblema na naman ako dito. Parang ang bata na naman ng leading lady ko. At least dito makatotohanan na, anak kita rito sa pelikulang ito,” natatawang pahayag ni Aga Muhlach.

John, sinaniban ni April Boy!

Muling kinilabutan ang baguhang aktor na si John Arcenas nang kinuwento niya ang ilang karanasan niya nung sino-shoot nila ang pelikulang Idol: The April Boy Regino Story ng Waterplus Productions.

Sa nakaraang premiere night nito na ginanap sa Great Eastern Hotel noong Biyernes, ibinahagi ni John ang karanasan niya nung sino-shoot nila itong pelikula sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina.

“Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot.

“Tapos may isang eksena po doon na pinasuot po sa akin ‘yung totoong damit ni April Boy Regino.

“So habang sinu-shoot po ‘yon, talagang kinikilabutan ako. Nilalamig po talaga ako literal. And ‘yun po, sabi po nung kasama po namin na aktres, si Tita Irene Celebre, na hindi niya nakikita si John Arcenas.

“Kita lang niya mismo si April Boy Regino, and kinikilabutan siya,” saad ni John.

Sukat sa kanya iyong damit ni Idol?

“Yes, sakto nga po, e!”

Hindi raw niya naiwasang kabahan nung pinasuot ito sa kanya. “Sa totoo po, ano, nung una, kinakabahan talaga ako,” pag-amin ni John.

Singit ng katabi niyang si Kate Yalung, “Tumitingin siya sa akin…”

Dagdag ni John, “Sa totoo lang, susuotin ko ba talaga ‘yun? Kasi, I mean, respect din kay Sir April Boy, ‘di ba? And siyempre, ‘yun nga, kinakabahan talaga ako. Pero ang nagsabi naman po, ‘yung asawa niya po.”

Feeling niya, sumanib sa kanya si April Boy? Tumango si John, “Sumanib po talaga. Totoo po.”

Sa Nov. 27 na ang showing ng Idol: The April Boy Regino Story, na isinulat at dinirek ni Efren Reyes, Jr.

Kasama rin dito si Kate Yalung na gumaganap bilang ang asawang si Madelyn Regino, at sina Rey PJ Abellana, Dindo Arroyo, Irene Celebre, Whitney Tyson, Tanya Gomez, Aileen Papin, at marami pa.

Show comments