MANILA, Philippines — Nakausap pala ng ka-PEP Troika naming si Noel Ferrer si Donita Rose nung nasa Amerika ito at tinanong sa kanya kung meron ngang offer si Gary Estrada sa kanya na magkaroon sila ng reunion movie.
Base sa mga sagot niya, parang hindi siya ganun ka-okay na magsama sila uli ni Gary sa isang pelikula. “Yeah! There was one recently, but parang I don’t know… it’s going back to the Philippines and… wala siyang sinabing story,” sabi lang ni Donita nang tinanong siya ni Noel kung nakatanggap nga ba siya ng offer mula sa dating ka-love team.
Nagpaalam naman daw siya sa asawa niyang si Felson Palad. “I asked him and he said, it was okay with him.
“I was like… I don’t think so,” ‘yun lang ang sagot ni Donita.
Pero parang pursigido si Gary na pasukin na ang movie production.
Pero ewan ko lang kung ano ang gagawin niyang pelikula kung sakaling tatanggihan ni Donita ang reunion project nila.
Michael Cinco, damay sa pagkatalo ni Chelsea
Sa gitna ng pananalasa ng super typhoon na Pepito, tinutukan ng sambayanan ang 73rd Miss Universe na napanalunan ni Miss Denmark.
Hanggang top 30 lang ang kandidata nating si Chelsea Manalo, at ang daming hanash ng netizens.
Isa sa mga hurado ang kilalang Filipino designer na si Michael Cinco, at nakakaloka kung paano nila pinaglaruan ang naturang designer na never talagang naghubad ng suot nitong shades.
Nag-trending din si Michael Cinco sa X kahapon dahil napapaglaruan ng netizens na kung ano ang tingin nito kay Chelsea.
Black and white at halos hindi na maaninag si Chelsea ang ipino-post nila dahil nga sa suot na dark shades ni Michael Cinco.
May nagsasabi pang, hindi raw nakita ni Cinco ang number, kaya namali raw ang napindot na score kay Chelsea Manalo.
Ang galing ng mga Pinoy makapag-isip ng memes at kung paano nila paglaruan ang nangyayari sa Miss Universe.
Pero ang dami namang natuwa at nagko-comment sa baklang-baklang pagtanong ni Michael Cinco kay Miss Nigeria na “what is more important, being liked or being respected and why?”
Sabi ng iba, mabuti raw at nandun si Michael Cinco sa board of judges, at least nangibabaw pa rin daw ang Pinoy!
Sa totoo lang, ang dami naman kasi talagang magaganda, lalo na sa Latina candidates kaya hindi na kami gaanong nag-expect kay Chelsea Manalo.