Hindi pa nga tapos sa pasabog niya si Andrea Brillantes na tila may pahabol sa Halloween.
Better late than never nga ang peg ng High Street actress na 10 years late na nga raw ang kanyang pagkasa sa Asoka Challenge.
Sey nga ng mommy niya na si Belle Brillantes sa comments sa post niya ay matagal na itong pinlano ng glam team ng anak pero hindi matuluy-tuloy dahil sa schedule ng aktres.
Dahil nanay, gandang-ganda siya sa anak at pinuri niya ang glam at production team nito. At ang ganda pa nga rin daw ng pagkakasayaw niya na ang lambot ng katawan.
Hirit pa nga ng mga ito ay gawin din nito ang Piliin Mo Ang Pilipinas trend.
Sey nga ng best friend niyang si Bea Borres ay hindi raw talaga ito nagpapatalo.
Habang ang bashers naman ay iniintriga pa itong sumasabay raw sa ingay ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Dinadawit nga kasi si Andrea sa naging hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla at tila hindi pa nga nakaka-move on ang mga tagahanga.
Isa talaga si Andrea sa may pinakamagandang mukha sa showbiz kahit ano pa ang sabihin ng bashers niya.
Bongga.