Sylvia, tumalak sa poser!

Sylvia Sanchez

Nagbabala rin ang aktres na si Sylvia Sanchez tungkol sa scammer na gumagamit ng pangalan ng kanyang mister na si Art Atayde.

Nabiktima rin pala ang magulang nina Ria at Arjo Atayde ng poser na nagpapanggap na tatay nila.

Ipinost ni Sylvia ang screenshot ng fake account at ng pagpapadala nito ng mensahe kung saan nagpapanggap ito.

“Hoy!!!!!!
“Isa kang FAKE NEWS Kuya!!! Kaloka ka!!! Sunday na sunday pahinga ka naman!! Simba ka po at dasal para kaawaan ka ng DIYOS kesa nang FIFAKE NEWS ka,” caption ng aktres sa kanyang post.

“Ingat po sa acnt na ito!!!!” dagdag pa niya.

Kaya panawagan ng netizens ay i-report ang account na ito para hindi na makapanloko.

Parami nga nang parami ang mga scammer lalo na ngayong magpa-Pasko.

Gumagawa raw talaga ang mga ito ng account at gumagamit ng ibang pangalan para lang makapambiktima.

Marami ang nabibiktima ng mga ganito lalo na ang mga gumagamit ng pangalan ng mga celebrity.

Aliw pa nga ang komento ng netizen na naging jejemon daw ang tatay nila Ria dahil sa paraan ng pag-type nito ng mensahe.

Kaya huwag basta-bastang maniniwala sa mga nababasa sa social media at natatanggap ninyong mensahe noh.

‘Wag pa-scam.

Show comments