Sabungeros palaban sa QCinema

MANILA, Philippines — Matapos ang kontrobersyal na pagkansela nito sa 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, natapos na ang paghihintay dahil nakatakdang magkaroon ng international premiere sa QCinema International Film Festival ng GMA Public Affairs ngayong Nobyembre 9 (Sabado) ang first-ever investigative documentary film, Lost Sabungeros.

Sa direksyon ni Bryan Brazil, layunin ng Lost Sabungeros na imbestigahan ang pagkawala ng mahigit 30 sabu­ngero na diumano’y dinukot sa iba’t ibang insidente mula noong 2022.

 Noong Agosto, kinansela ang screening ng Lost Sabungeros dahil sa “security concerns.” Nagdulot ito ng higit pang mga katanungan at alalahanin mula sa publiko, na nagresulta sa malakas na clamor na panoorin ang nasabing dokumentaryo.  

  The Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) issued a statement in support of creative freedom and safety, expressing that the unfortunate cancellation of the film is a  “stark reminder of the challen­ges faced by those who dare to challenge the entrenched through their art.”

Nakahanap ngayon ng bagong plataporm ang Lost Sabungeros para ipakita ang kwento ng mga indibidwal na ito sa pamamagitan ng QCinema International Film Festival.

Ipinahayag ni Brazil ang pasasalamat sa QCinema sa pagsama ng pelikula sa kanilang roster of documentaries para sa mga screening ngayong taon.

“Thank you very much, QCinema. This film has gone a long way and we’re really happy to be given this platform in QCinema. ‘Lost Sabungeros’ is the story of the families of missing cockfighters who have still not been found. This is not just their story but also the story of our nation and the solutions for our society,” niya sa GMA.

Nang isara ng pandemya ng COVID-19 ang lahat ng arena ng sabong sa Pilipinas, ang century-old gambling bloodsport ay lumipat online at na­ging isang ‘makinang’ kumikita ng pera. Ngunit ang mga bagay-bagay ay nagkaroon diumano ng nakakagulat na pagliko nang higit sa 30 lalaki ang nawala nang walang bakas ayon sa kanilang nakalap na impormasyon.

Itinatala ng Lost Sabungeros ang ilan sa mga buhay ng mga tao na nabaligtad ang mundo dahil sa bloodsport.

Ayon sa GMA Public Affairs, ang highlight ng dokumentaryo ay ang tatlong whistleblower na humarap upang ibahagi ang kanilang kaalaman tungkol sa mga krimeng ginawa diumano ng mga dumukot sa mga nawawalang sabungero.

Magkakaroon ng premiere ang Lost Sabungeros sa Nobyembre 9, 8:35 p.m., sa Cinema 16, Gateway Cineplex 18, Quezon City. Susundan ito ng talk back session na pinangasiwaan ni Kara David, kung saan ang mga direktor, producer, at mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero ay kapapanayamin.

Show comments