Piolo walang interes sa pulitika, maraming nabiling ari-arian hanggang amerika

Piolo

MANILA, Philippines — Parang laging may pinag-iipunan si Piolo Pascual, Papa P sa lahat.

Wala siyang pahinga sa trabaho. At parang hindi niya naiisip ang salitang pahinga.

Kaya naman tinanong namin siya, anong ginagawa niya sa mga datung niya? “Lahat kasi pinapatulan ko pati ribbon cutting, eh. Wala naman akong gagawin eh, why not? I mean, I’m at a point in my life wherein I want to be able to leave something for my son and my family and just make use of the time that I’m given and the finance that I’m given and make sure to invest it in projects that will be profitable,” sagot niya sa amin kahapon nang humarap siya sa ilang entertainment press para sa finale week ng Pamilya Sagrado next week.

Pero ano ‘yung major investment mo?

“Real estate. It’s really real estate. I’ve been doing real estate since I started more than 20 years ago, and I haven’t stopped. And I just constantly grow and try to get projects that will appreciate in time.”

At hindi lang siya sa bansa nakapag-acquire/nakapag-invest ng mga ari-arian. Maging sa Amerika.

“Yeah, sa states in Vegas.”

Wala rin nakikita kay Piolo na luho at walang luxury items na idini-display.

Parang workout na nga ang luxury niya sa buhay.

Samantala, walang pinag-usapang talent fee kay Coco Martin nang idirek niya ang huling bahagi ng Pamilya Sagrado na hanggang next week na lang mapapanood.

Mabilis ang sagot ni Piolo kahapon tungkol dito, na walang pinag-usapang ganun.

Pero napabilib si Piolo kay Coco. Naging instant fan aniya siya pero hindi pa rin ito rason para maisip niyang magdirek.

“Diretso siya. Nandun agad siya. Nagdi-direct agad siya, nung dumating ako hanggang matapos ‘yung show. Ibang klase, ibang klase ‘yung professionalism ni Coco. I became a fan, as an actor to a director, because nakita mo talaga na inaral niya ‘yung script before coming, before doing the scenes and nakipag-meeting siya. 

“Nagpre-prod siya. Nakakatuwa because you get to be directed by Coco, who is in his prime as well. So, I guess you know since never ako nakapunta sa mga show niya. This is something to start with. Hopefully, makapag-collab kami as actors. Pero grabe ang galing nakakatuwa,” pahayag pa ng award-winning actor kahapon na talagang humarap sa ilang entertainment press bago lumipad pa-Canada para sa kanilang concert tour.

Pero hindi ‘yun rason upang maengganyo  siyang magdirek. Aniya mas producer siya at wala siyang alam sa pagdidirek. “I love producing. I enjoy the process of producing, but I have to be totally honest; I don’t see any skill in me as a director. That’s something I don’t think I have any inte­rest in doing. Ang hirap eh, ‘yung part the whole process eh. ‘Pag artista ka siguro grabe na ‘yung binibigay mong oras, pa’no pa pag nag-direct ka at nag-produce ka. And also, at the end of the day, I didn’t study directing, so I don’t want to be all-knowing and trying to do something, na hindi ko naman alam kung paano gawin,” diretso niyang sagot.

Isang presidente ang ginampanan niya sa Pamilya Sagrado na isang bida-kontrabida, pero pinagdiinan niyang wala siyang interes sa pulitika kahit na nga marami sa kanyang mga alok noon pa.

“I have friends that have been inviting me. Some groups have been inviting me. Pero sa ka-busy-han ko, I don’t think I’ll have time for it. And it is also not my interest to enter politics. I already have my field that I can practice.”

Actually, kahit daw talaga noon ay wala siyang interes sa pulitika tulad sa pagdidirek.

“Ever since, however, I was never interested in politics, and we just pray for them.

 “Or on the horizon, for that matter. I love what I do; I must stick to acting because ito na talaga ‘yung trabaho ko ever since. I don’t think I have the heart to do politics.”

Pero may mga sinusuportahan naman siyang pulitiko. “Syempre, mga pinaniwalaan mo. Ano ‘yung mga sinu-support mo because you want them to have the position to help the country.”

Ogie at JC, hindi bumitiw sa ABS-CBN

Forever Kapamilya pa rin ang OPM icon na si Ogie Alcasid at versatile actor na si JC de Vera matapos nila muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4.

Ibinahagi ni Ogie ang kasiyahan niya sa tuwing natatawag siyang isang Forever Kapamilya.

“Kapag sinabing Kapamilya ka ang sarap sa puso and I mean that. It comes with feeling the honor, the distinction, and the privilege to serve. Ang sarap ng pakiramdam maging Kapamilya forever. Thank you so much for the trust and let’s keep doing it,” saad niya.

Sa kanyang pagpapatuloy bilang isang Kapamilya, mapapanood pa rin siya ng viewers sa It’s Showtime at ASAP. Pagbabahagi niya na iba ang nararamdaman niyang saya sa tuwing umaapak sa parehas na show lalo pa sa tuwing nakikita niyang napapasaya nila ang madlang people.

“Nararamdaman ko yung joy kapag naririnig ko na yung ‘Papapa papa Rapa papapa...’ Hindi ako nagpapa-corny or nagdra-drama dito but there is this energy that I feel and sense of gratitude when you see the smiles of the madlang people and of course what the program has gone through. It is the spirit you cannot deny. Sa ASAP din when I’m singing with my friends and my wife and with people who are extremely gifted with singing and generous with their gifts. We always say that we are in service of the Filipino and that it is true to its core,” sabi niya.

Tulad ni Ogie, labis din ang pasasalamat ni JC sa pagtitiwala ng network at patuloy na pagbibigay nito ng oportunidad sa kanya.

Aniya, “I want to take this time to tell everyone how thankful and grateful I am for this day. Sa ABS-CBN kasi kineep pa rin ako. They will be needing my services pa rin. I just want everyone to know that I am still growing as an actor. Alam mo na patuloy pa rin tayong binibigyan ng magagandang opportunities. I am still challenged and motivated.”

Dagdag pa niya na simula nang maging Kapamilya siya ay kabila’t kanan siyang binigyan ng roles na tumulong sa kanyang gumaling sa kanyang craft bilang isang aktor.

“Ever since naging Kapamilya ako palagi akong tine-test ng network na gumawa ng roles outside of my box. Masasabi ko talaga na during my stay dito sa ABS-CBN, wala akong ginawang hindi challenging,” sabi niya.

Dapat din daw abangan ng publiko ang susunod niyang gagawin lalo pa at kakaiba raw ito sa mga dating pa niyang nagawa.

Kasama nina Ogie at JC sa Forever Kapamilya Network Contract Signing event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, TV production head Laurenti Dyogi, at ang manager nila na si Rey Lanada. 

Show comments