Finally ay natupad na rin ang dream ni Barbie Forteza na makapanood ng Eras Tour concert ng idol niyang si Taylor Swift.
Makikita sa Instagram account ng aktres ang videos and photos while watching Swift’s concert in Indianapolis, USA.
“It’s been a long time coming,” caption ni Barbie na isa rin sa linya ng kanta ni Taylor na “Miss Americana & The Heartbreak Prince.”
Mapapanood sa videos na masayang-masaya si Barbie sa concert habang sinasabayan ang mga hit songs ng idolo na Cruel Summer, All Too Well, august, illicit affairs, and I Can Do It With A Broken Heart.
Maging ang mga kaibigan and loved ones ni Barbie ay masayang-masaya for her kabilang na ang boyfriend niyang si Jak Roberto.
“Dream come true mahal! Deserve!!!” komento ni Jak na hindi nakasama kay Barbie sa US.
Matagal nang true-blooded Swiftie (tawag sa fans ni Taylor) si Barbie and very open naman siya about it. At noon pa siya excited na mapanood ang Eras Tour pero dahil inuna niya ang pagpapagawa ng bahay for her family, hindi siya makabili ng tiket dahil nanghihinayang siya sa malaking gagastusin.
Sey pa ng aktres noon sa interview, “I just feel like it is a splurge for me” na ang tinutukoy ay ang pagbili nga ng tiket para sa concert tour sa labas ng Pilipinas.
Magugunita ring isa sa nawindang si Barbie nang malaman noon na hindi kasama sa listahan ng Eras Tour ang Pilipinas. Nag-post siya talaga at kinuwestiyon kung bakit hindi kabilang ang ating bansa sa Asian tour.