Memorable sa 27-year-old singer-songwriter at hitmaker na si Arthur Nery ang kanyang kauna-unahang major solo concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) last Oct. 25, 2024 hindi lamang dahil sold-out ang concert ticket kundi naroon ang challenge na hindi ito mapuno dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Kristine. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi alintana ng kanyang supporters ang masamang panahon at dumagsa pa rin sila ng Araneta Coliseum para siya’y suportahan sa kanyang kauna-unahang attempt bilang concert artist.
Sa may merchandise booth ay may nakalagay na donation box kung saan ang mga nanood ng concert ay may pagkakataong mag-donate ng cash or in kind para sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Lahat umano ng mga isinuot ni Arthur sa kanyang concert ay kanyang ipapa-auction at ang mapapabilhan ay kanyang idu-donate sa mga sinalanta ng bagyo.
Ang singer-comedian na si Wacky Kiray ang naging tulay ni Arthur kung paano niya napasok ang entertainment business. May show umano noon si Wacky sa Bukidnon at si Arthur ang guest performer. Na-impress umano si Wacky Kiray sa magandang boses ni Arthur kaya agad niya itong ni-refer sa Callalily frontman, ang singer-actor na si Kean Cipriano who immediately signed him up to their own record label, ang O/C Records na nasa ilalim ng Viva Music. This was in 2019. On the same year ay inilabas ang kanyang unang single na pinamagatang Life Puzzle at sumunod dito ang Binhi.
Legendary American singer-songwriter, namatay sa edad na 91
Pumanaw na ang legendary American singer, songwriter, arranger, record producer, TV and film producer, at author na si Quincy Jones nung nakaraang linggo, Nov. 3 sa edad na 91.
Iniwan niya ang kanyang pitong anak (sa iba’t ibang babae) at mga apo. Sa pitong anak, anim dito ay babae at mag-isang lalaki lang si Quincy Jones III na siyang sumunod sa yapak ng kanyang ama.