Kim at Angelica, matibay ang friendship

Angelica Panganiban at Kim Chiu

Napaka-swerte naman ni ­Angelica Panganiban na mahal na mahal siya ng mga kaibigan niyang sina Kim Chiu at Bela Padilla.

Birthday pala niya kahapon at nabasa ko ang post ni Kim na sobra-sobrang pagmamahal kay Angelica.

“Happy happy birthday to this beautiful soul and gorgeous momma!!! The strongest I’ve ever known!!! Momsy grabe ang daming nangyari sa taon na to para sayo, ups and downs (extreme) but you remained stronger than ever.? Thank you for always sharing your time and for always being there. I love you so so much, momsy! Wishing you good health, speedy recovery, all the happiness and blessings this world can offer dahil deserve mo yun.  love you so much!!! I think lalaban ka na sa next TikTok challenge!!! Diba momsy @bela ??? any suggestions, guys? Comment below! Hihihi  cheers to love, life, and many more birthdays to celebrate!!!! love you momsy!!!! Thank you for the gift of friendship!!!!  #AngBeKi rocks!!! HAPPY BIRTHDAY!!!!

“PS kulang ang 20 slides sa IG sa dami ng gusto kong e share na photos and videos! Hihihi”

Sa totoo lang, ang hirap makahanap ang kaibigan sa showbiz.

Kasi hindi mo talaga alam kung totoo sila o hindi.

Kaya ako talaga, super small lang ang circle of friends ko sa showbiz kahit tanungin ninyo pa si Salve.

Mas mabuti na ‘yung hindi ka nage-expect na marami kang kaibigan pero sa huli naman ay ilalaglag ka ‘di ba.?

Kaya nakakatuwa ang matibay na friendship nina Kim at Angelica at ganundin din si Bela.

Show comments