Show ni Luis, tinututukan ng kanyang haters?!

MANILA, Philippines — Binasag ng Rainbow Rumble ang kanilang all-time high viewership record matapos makapagtala ng pinagsama-samang peak concurrent views na 908,861 sa Kapamilya Online Live noong nakaraang weekend (Oktubre 26 at 27), tampok ang Lavender Fields cast at Streetboys.

Noong nakaraang Sabado, sinubukan ng Lavender Fields stars na sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Eric Nicolas, Bernard Palanca, at Cheena Crab ang kanilang suwerte sa game show. Maswerte man si Janine na nanguna sa elimination round ngunit bigo  siyang nakuha ang jackpot prize at nag-uwi pa siya ng P82,000.

Hindi naman napigilan ng netizens ipadama sa social media ang kilig sa pagsali ng EchoNine sa game show na hino-host ni Luis Manzano.

Samantala, sumali rin sa show noong Linggo (Oktubre 27) ang iconic na ‘90s dance group na Streetboys members na sina Vhong Navarro, Danilo Barrios, Christopher Cruz, Meynard Marcellano, at Joey Andres. Tulad ng episode noong Sabado, hindi rin nakuha ng nakaabanteng rumbler na si Meynard ang jackpot prize ngunit nanalo pa rin siya ng P82,000.

Patuloy na napapanood Rainbow Rumble tuwing Sabado at Linggo, 7:15 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15 p.m. sa TV5.

Show comments