Hinang-hina ako kahapon. Siguro may kinalaman ang mga napapanood ko sa TV na grabeng baha sa Bicol at sa Quezon province na napuruhan ng bagyong Kristine.
Hindi ko talaga ma-comprehend kung ba’t ganun kalaki ang nasabing baha na lampas pa sa bahay ang tubig.
Meron pang taong kumapit sa puno ng niyog para lang ‘di anurin ng malakas na pagragasa ng tubig.
Paano na lang ang mga bahay na nilubog ng baha?
Nakaligtas ba sila o nailigtas man lang? Paano ang mga matatanda at bata? Pati ang mga bus, lubug na lubog sa nakita kong picture kaya walang makaalis ng Bicol.
Parang Ondoy daw ang binuhos na tubig nito.
Kaya ang mga kotse makikita mong patung-patong na.
Hindi mo talaga alam kung kailan hahagupit ang ganitong sakuna.
Sana naman ay nakaligtas ang mga Bicolano at makabalik sila sa maayos na kalagayan.
Sana rin ay tumigil na ang pag-ulan.
Hay nakakaiyak.
Sana ngayong araw paggising ko ay maayos na ang lahat, wala na ang baha at may araw na kahit sinasabing may bagyo pa rin.