Alam mo Salve dusa sa akin iyon meron na akong self-imposed na hindi na magbiyahe. Dahil nga talagang physically dusa na sa akin ang pagod at ang malayong paglalakad kaya sure ako hindi ko na mai-enjoy mag-travel.
Kung dati nakababad lang ako sa hotel pag nasa abroad ako, mas lalo na siguro ngayon. Hindi ko naman pinangarap na wheelchair ako habang nasa ibang bansa.
Talagang affected ang mga galaw ng sakit ko.
Kaya naman marami man ang hindi ko na rin nagagawa, pasalamat na rin ako na mentally sharp pa rin ako. Pero medyo forgetful at madalas absent-minded na rin. But I have to be thankful dahil ang dami pa rin blessings ang dumarating at ngayon ko nga lalong naramdaman ang marami palang nagmamahal sa akin.
Hindi ko kailangan humingi ng tulong na bayaran ang hospital bills ko, nandiyan agad sila Usec Honey Rose para sa mahal kong si PBBM, si Bong Revilla na talagang nakabantay agad sa pagtulong financially kaya bayad niya agad ang hospital bills ko.
Kaya nga ang laking utang na loob ko sa dalawang Bong sa buhay ko, Bongbong Marcos at Bong Revilla. Forever grateful din ako kina Lorna Tolentino at Boyet de Leon, bongga ang love envelope na pinarating nila.
Thank You my dear God.
Ashley, parang si Sarah Geronimo
Sana naman bigyan ng break sa singing si Ashley Ortega.
Ang husay niyang umawit ha. At napatunayan ko ‘yan nang ipakilala siyang endorser ni Rhea Tan para sa Belle Dolls.
Kumanta siya ng viral song na Maybe This Time. Mala-Sarah Geronimo talaga.
At sa totoo lang, mabibigat din ang mga eksena niya sa Pulang Araw kung saan umani siya ng papuri. Ani Ashley sa kanyang Instagram post “Alam ko pong ang hirap panoorin pero mahalaga sa amin na isalaysay sa ating mga kababayan ang pinagdaanan ng ating mga comfort women noong panahon ng pagsakop ng mga Hapon. Oras nang marinig at malaman ang kanilang istorya.”
Well, bongga si Ashley, sana naman sumikat siya at ‘wag munang mag-jowa.
Hahaha, pakialamerang lola.