Ang nasa kontrata raw ni Willie Revillame at ng TV 5, magho-host siya ng Wil to Win sa loob ng tatlong taon at wala munang pulitika. Pero sinasabi ni Willie na nagpalit siya ng isip dahil na-realize niya na mas marami siyang matutulungan kung nasa puwesto siya kaysa sa kanyang show lamang siya. Kinausap naman daw niya ang Chairman ng TV 5 at pinayagan siya, kaya tumakbo siya.
Mananatili raw host si Willie ng kanyang show hanggang February 10.
February 11 ay may deklarado nang media ban sa lahat ng kandidato kaya hindi na siya puwedeng lumabas sa show niya.
Pagkatapos daw ng eleksiyon, manalo at matalo, at saka na ang desisyon kung kailan babalik si Willie ulit bilang game show host.
Pero ang sesyon ng senado inaabot ng gabi, kung mananalo siya baka hindi na niya mababalikan ang kanyang afternoon game show.
Samantala, para kay Vilma Santos hindi masyadong apektado, dahil hindi lamang mailalabas ang pelikula niya sa panahon ng media ban sa lalawigan ng Batangas. Sa mga sinehan sa labas ng Batangas ay ok iyon. Si Luis Manzano ang apektado, talagang papalitan na siya sa kanyang game show. Kung matalo siya babalik siya sa kanyang mga game shows, pero kung manalo hindi na niya mababalikan iyon dahil full time job ang trabaho ng vice governor.
May nagsasabi naman sa amin iyon daw magpapares na si Diwata, panay na yata ang motorcade para makilala ng mga botante at namimigay pa raw ng kamiseta.
Pero may nagsabi sa amin na dapat daw si Nora ay tumakbong senador. Para kung manalo siyang senador, masupalpal niya ang mga nagbibintang sa kanya noong gumagamit ng droga. Maaari niyang balikan iyong mag tumangging ideklara siyang national artist dahil lang sa may kaso siya sa droga sa US. At least si Presidente Digong kahit na may war on drugs at noong una ay tinanggihan din siyang ideklarang national artist, bago umalis ay nakumbinsi ring ideklara siyang national artist nang sabihin na may sakit na nga siya at baka hindi siya maideklara, sumuko na siya.
Gabby at Sanya, mas kailangan ang isa’t isa
Totoo naman iyon, lumalabas nga ang abilidad sa acting ni Sanya Lopez sa serye nila ngayon, pero hindi iyon sumisipa sa ratings. At supporting role lang ang ibinigay kay Sanya.
Kaya sinasabi nga ng mga fans, dapat ibalik ang tambalan nila ni Gabby Concepcion. Nakadalawang serye sila ni Gabby na humataw sa rating.
Tutal kailangan din naman ni Gabby ang mga batang leading lady.
Tested formula na iyon, mataas ang ratings at ok ang sales.
Sandro, walang planong atrasan ang dalawang bakla
Matigas ang sagot ni Sandro Muhlach, walang mangyayaring areglo sa kasong isinampa niya laban kina Jojo Nones at Dode Cruz. Kaya lamang daw tahimik sila ay dahil nasa korte na nga ang usapan at maaari nga namang kung makapagbigay sila ng comment na hindi magustuhan ng korte ay masampahan pa sila ng contempt. Ano man ang sabihin nila ay maaaring ituring na sub judice sa ngayon. Itong panahong hindi na rin muna dapat magsalita maliban kung sa harap ng hukuman.
May mga ispekulasyon kasi baka kaya raw nananahimik, na ang mga Muhlach ay may nagaganap nang aregluhan sa pagitan nila at ng dalawang baklang suspect. Pero hindi totoo iyon sabi ni Sandro at hindi raw siya papayag na hindi makamit ang hustisya sa ginawa sa kanya.