Willie Revillame, bumigay na sa pulitika

Willie Revillame

MANILA, Philippines — Nag-file ang Wil to Win host na si Willie Revillame ng certificate of candidacy (COC) para sa pagkasenador ng eksaktong 5 p.m. kahapon sa Manila Hotel.

Kahapon ang huling araw ng pag-file ng COC para sa 2025 elections at ilang minuto bago magsara ang submission, dumating ang TV host upang ianunsyo ang kanyang pagtakbo bilang independent candidate.

Maaalalang taong 2021 nang tumanggi siyang tumakbo sa kabila ng paghikayat sa kanya ng dating presidente Rodrigo Duterte pero ngayon nga ay bumigay na siya sa pulitika.

Show comments