Dismayado sa resulta ng Big Bird...Enrique Gil, tinatamad na!

Enrique Gil

True kayang nawawalan na ng gana si Enrique Gil sa showbiz dahil sa hindi magandang resulta sa takilya ng kanyang comeback film?

Ayon kay Ogie Diaz sa latest vlog niyang Ogie Diaz Showbiz Update, masyado raw nalungkot si Quen sa outcome ng comeback movie nitong I Am Not Big Bird na matatandaang ipinalabas sa sinehan last February.

“May nagtimbre sa akin, may nagtsika lang sa akin na si Enrique ay nalungkot doon sa naging outcome sa box-office ng ano ‘yun? ‘Yung bird,” sey ni Ogie.

Dagdag ni Ogie, “eh ‘yun pa naman ang kanyang unang sabak sa pagbabalik. Eh kaya lang hindi pinalad sa box-office.”

Sey pa ni Papa Ogs, “medyo devastated si Enrique.”

Pagre-reveal pa ni Ogie, originally raw ay nasa cast si Quen ng Incognito, ang upcoming series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla. “Eh biglang natabangan na si Enrique, ayaw na niya. Eh ‘di ba kakapirma pa lang niya sa ABS-CBN? Kung baga ginaganahan na naman siya. Kaya lang, parang sa takbo ng mga pangyayari, parang nawawalan na ng sigla si Enrique sa kanyang pagbabalik. Kaya tingnan natin, baka may maganda pang proyekto,” sey pa niya.

In fairness kay Quen, marami pa naman siyang fans at maaaring maling proyekto lang ang I Am Not Big Bird for him. And let’s face it, siyempre, mas gusto pa rin ng tao ang loveteam nila ni Liza Soberano lalo pa nga’t parang bitin pa ang LizQuen fans sa kanilang tandem dahil maaga nga itong natapos.

Kung talagang wala nang pag-asang bumalik ang LizQuen tandems, try kaya ni Quen na maghanap ng ibang leading lady na babagay sa kanya.

James, may gagawing teleserye sa Kapamilya!

Pagkatapos ng ilang taon, muling napanood si James Reid sa ASAP last Sunday. The actor/singer performed his hit single, Randomatic sa kanyang pagbabalik sa stage ng nasabing Kapamilya variety show.

Aminado si James na talagang ninerbyos siya sa kanyang muling pagtuntong sa ASAP stage pero masaya raw siya to be back.  “To be honest, I’m super nervous. It’s been a long time, it’s been like 5 or 6 years since I last been here in ASAP. And to be with my idols again, with you, guys, it’s amazing. I am glad to be back,” sey niya.

Sa kanyang pagbabalik ay nagpaabot pa ng kanilang mensahe ang mga Kapamilya stars na sina Bianca Gonzalez, Lovi Poe, his Pinoy Big Brother  batchmate Ryan Bang, and girlfriend Issa Pressman.

Nagpasalamat naman si James at nag-hint na muli siyang magbabalik sa ASAP.

“Thank you so much to all of the Reiders, all the fans who’ve been supporting me since from PBB’ days, it’s been a long, long time, thank you so much, I love you, guys. I’m so excited, may mga bago akong mga kanta that I’m really excited to show with everyone at the  ASAP stage,” pahayag ng singer/actor.

“It feels good to be back, parang I never left, it’s been a long time but the love from the ASAP team, it feels like I never left so thank you so much. I can’t wait to perform my new up and coming songs coming out soon. Stay tuned. And thank you so much, it’s good to be back,” sey pa ni James.

Simula na kaya ito ng pagbabalik ni James sa ABS-CBN?

Napapabalita rin kasing may gagawin na raw teleserye ang actor/singer sa Kapamilya. Abangan.

 

Show comments