Nora at Aljur, nanggulat

Nora Aunor files certificate of nomination and acceptance as the nominee of People's Champ party-list at the Manila Hotel on Oct. 7, 2024.
Philstar.com/Dominique Flores

Marami ang nagulat sa biglang pagtakbo ng superstar at National Artist na si Nora Aunor bilang second nominee ng isang partylist, ang People’s Champ.

Papalaot na rin sa politika ang actress at misis ng actor-politician na si Abby Viduya (dating Priscilla Almeda) bilang konsehal ng 1st district ng Para­ña­que dahil tapos na ang termino ng mister niyang si Jomari Yllana.

Gayundin ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Yeoj Marquez.  

Tatakbo rin sa pagka-konsehal ng Angeles City ang actor na si Aljur Abrenica. 

Ganundin si Marjorie Barretto na kakandidato sa pagka-konsehal din sa Caloocan.

Pagka-konsehal din ng ika-5 distrito ng Quezon City ang aasintahin ng actor na si Enzo Pineda habang mga re-electionist naman sina Pasig Mayor Vico Sotto at ka-tandem nitong si vice-mayor Dudut Jaworski gayundin ang mayor ng QC na si Mayor Joy Belmonte at ang kanyang vice mayor na si Gian Sotto.

 Pero alam mo, Salve A., hindi na talaga mabubura sa kultura ng mga Pinoy ang magkakamag-anak na nasa larangan ng pulitika o public service.

Andyan ang pamilya Cayetano, ang pamilya Villar, Binay, Revilla, Recto, Tulfo, at ganundin ang mga Gatchalian.

Pero ang importante naman ay maglingkod sila ng tama at para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

Show comments