Andrea, ‘pinagyabang’ ang VIP treatment

Andrea Brillantes
STAR/File

Ipinakita ni Andrea Brillantes ang pagpila niya sa concert ng sikat na Filipino-American songwriter na si Olivia Rodrigo na ginanap nitong Oct. 5 sa Philippine Arena. Ito nga ay para patunayang walang VIP treatment sa mga artista sa mga ganitong pagkakataon.

Ibinahagi ni Andrea sa kanyang Instagram Story ang video niya habang nasa Philippine Arena bago magsimula ang concert.

Makikita ngang maliwanag pa sa labas meaning, maaga siyang dumating doon para pumila.

Sey niya sa caption, “I was the first one to line up sa que number lane namin ang habahahahahahaha.”

Makikita nga ring medyo hulas na ang beauty ng aktres at pinagpapawisan siya kaya panay ang paypay niya.

Maya-maya ay nag-post ulit si Andrea at nilinaw na hindi niya ipinagyayabang na no. 1 siya sa pila.

“Oopsiee- I just realized I worded that poorly, and it came off as me bragging about my spot. But y’all got it wrongggg:/,” aniya.

“what I meant to say was, sa aga ko pumila kaninang umaga I ended up first in line in my queue number lane,” paliwanag ng aktres.

Ipinaliwanag din niya kung bakit walang ibang tao sa video na ang dating yata sa ibang tao ay may VIP treatment nga sa kanya.

“Kaya ako lang tao nandun bc I lined up very early for it :) it wasn’t VIP treatment or anything magical,” paglilinaw ni Andrea.

Matatandaang few days ago ay naintriga rin ang aktres ng isang netizen na kinukuwestiyon kung bakit may hawak na siyang physical tickets para sa concert ni Olivia gayung wala pa ang iba.

Nilinaw naman agad ito ni Andrea at sinabing wala pa siyang hawak na physical tickets.

Anyway, sobrang nag-enjoy naman si Andrea sa Guts World Tour ni Olivia at makikita ito sa videos na ipinost niya.

Jackie, nandiri sa intriga sa ‘pagbubuntis’ niya kay Ion!

“Adik ba kayo?” tanong ni Jackie Gonzaga sa mga nagkakalat ng tsismis na buntis siya at ang dyowa raw ni Vice Ganda na si Ion Perez ang ama.

Sa livestream ni Ate Girl sa TikTok last Saturday ay may nagtanong ng issue sa kanila ni Ion.

“Anong isyu?” balik-tanong ni Jackie sa nagtanong.

Dito niya nalaman na may kumakalat na palang tsika na nabuntis siya ni Ion.

Gulat na sabi ni Jackie, “Hala!”

May isa pang nagtanong ng “what’s the truth about you and kuya?”

Aniya, “si Kuya Ion? Anong truth? Kung anu-anong pinag-iisyu n’yo.”

Halata ngang naloka si Jackie at sey pa niya, “Adik ba kayo? Tigilan n’yo ‘yang bisyo n’yo, ha?”

Dagdag pa ni Ate Girl, “tsaka ‘yung mga trolls din naman, anu-ano pinag... for the views kasi. Siguro kumikita sila doon so… eh wala, do’n sila kikita, ganu’n  talaga, grind nila ‘yon. Eh issue nila ‘yon. Bahala sila.”

Ayon pa kay Jackie ay kadiri ang iniisyung ito sa kanya gayundin ang mga taong naniniwala.

“Kadiri mga issue n’yo. Kadiri ‘yung mga taong naniniwala sa fake news! Bahala kayo diyan!” aniya.

Natuwa naman si Jackie sa nagkomento na hindi siya naniniwala sa tsismis na ito sa kanya.

“That’s good. At least, kaya mong mag-isip para sa sarili mo. Congrats sa mga hindi naniniwala. Nakakapag-isip kayo ng maayos,” sabi ni Jackie.

Show comments