Ate Vi, natuwa sa P50 na sine!

Vilma Santos.

Pabor si Ate Vi (Vilma Santos) sa singkuwenta pesos na bayad sa sine para sa mga pelikulang re-issue.

“Malaking sakripisyo iyan sa parte ng producers, dahil iyang singkuwenta pesos, walang kita riyan ang may-ari ng pelikula. Libre na ang pelikula roon, bayad lang iyan sa sine at tax, baka nga kulang pa. Kaya nga lang percentage tax kasi ang sa pelikula, kaya kung maliit ang admission prices, halos wala na ring tax. Pero kahit na sabihin mong luma ang pelikula, maayos namang napapanood at saka iyong henerasyon ngayon hindi naman nila nakita ang mga pelikulang iyan, lalo na iyong kay FPJ,” pahayag ni Ate Vi.

Naghanap nga ang mga tao ng ibang mapaglilibangan tapos pumasok  ang internet streaming na nakasanayan naman nila ngayon.

Para sa nanay ni Luis Manzano, hindi naman dapat na itigil iyang internet streaming dahil may mga pelikulang hindi talaga kikita sa sinehan, pero puwede silang ipalabas sa internet.

Kaya buo na raw ang isip niya na ang kailangang kumilos para maibangon ang industriya ng pelikula at pati na rin ang mga nasa industriya.

Samantala, iniurong ng Metro Manila Film Festival ang deadline para sa submission ng finished film. Sa Oktubre 7 na ang deadline. Ang katuwiran nila sunud-sunod ang bagyo at baha, maraming trabahong natigil dahil sa mga araw na malalim ang baha.

Iyon nga ba ang dahilan o may inaasahan silang dapat maihabol na pelikula kaya nag-extend sila?

Carlos, pinakialaman sa crop top!

Hindi naman artista si Carlos Yulo. Hindi rin naman siya isang fashion model. Atleta iyong tao at para sa mga atleta, kung anong kasuotan ang mas relaxed sila iyon ang ginagamit nila.

Ano ba ang pakialam ninyo kung nagsuot man siya ng kamisetang crop top? Doon siya mas relaxed eh bakit naman dahil lang doon bina-bash siya?

Dahil sa internet, sa social media, lahat na lang sila mga kritiko. Pero mga kritikong “mema” lang naman. OK maging kritiko pero balansehin naman ninyo. Kung artista siya o model kaya, talagang obligasyon niyang laging nakaayos sa tuwing haharap siya sa publiko. Eh hindi naman eh, atleta iyong tao.

Celeb, nagpabata ng 7 taon?!

Natawa kami sa isang artistang nag-celebrate ng kanyang 31st birthday kuno.

Pero tingnan ninyo ang sinasabi sa kanyang internet data, ang sabi 36 na siya. Kung paniniwalaan mo ang isang dating malapit sa kanya at nakakita ng kanyang passport, 38 na raw siya, pero nagbabata-bataan pa.

Show comments