Dating sexy actor na nagbisyo, ‘di nakabayad sa housing loan!

Kaawa-awa ang naging kapalaran ng dating sexy actor. Nagbenta na ito ng ilang mga kagamitan sa kanilang bahay dahil sa laki ng financial problem nito.

Dati raw may magandang negosyo ang sexy aktor na kanyang tinayo noong papawala na ang sexy movies noon. Nagtrabaho rin ito sa ibang bansa noong magkaroon na siya ng pamilya.

Semi-active pa rin naman sa showbiz ang aktor at sunud-sunod ang paggawa niya ng mga teleserye. Pero biglang nabago ang lahat noong magkaroon ito ng hindi magandang bisyo, ang malulong sa sugal.

Nagsimula raw ang bisyo nito dahil sa mga bagong nakilala niya dahil sa kanyang business. Noong malulong na ito at malugi ang negosyo, biglang hindi na raw nagpapakita ang mga kaibigan niya.

Mula sa sarili nilang bahay ay sa isang paupahan na apartment lumipat ang sexy actor dahil hindi na siya nakakahulog sa housing loan.

Pati sa renta ay naging pabaya ang aktor at muntik na silang palayasin kung hindi pa nag-abot ng tulong ang isang kasabayan niyang aktor sa showbiz.

Binenta na rin ng aktor ang sasakyan niya dahil dahil wala siyang work. Pinauwi na lang niya ang kanyang pamilya sa probinsya. Laking pagsisisi niya sa naging bisyo niya.

Kaya payo ng aktor sa mga baguhang aktor ngayon na umiwas sila sa hindi masamang bisyo at pakahalagahan ang mga perang kinikita nila.

Carmina, may sepanx sa pangarap

Inamin ni Carmina Villarroel na nakakaramdam na siya ng separation anxiety o sepanx dahil nalalapit na ang pagtatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.

“Ayoko ngang isipin na matatapos na kami kasi nase-sepanx na ako. Ano kasi ako… clingy. Umpisa pa lang, nag-jive na talaga lahat, wala akong problema sa kanila. Para talaga kaming isang pamilya,” pahayag niya sa dalawang taong pag-taping nila.

Sinabi niya na mami-miss niya ang paggawa nila ng TikTok videos. Wala raw humihindi sa cast kapag nagyaya na raw sina Pinky Amador, Chuckie Dreyfuss at Jillian Ward na mag-TikTok sila tuwing breaktime.

Magtatapos na rin sa October ang isa pang show ni Mina na Sarap, ‘Di Ba? kunsaan co-hosts niya ang kanyang twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Show comments