Ex-child star na pinaaral ni Vice, Magna Cum Laude!

Amy

Ang bongga naman ni Vice Ganda na napagtapos ang dating child star na si Amy Nobleza.

Ipinost ni Amy ang graduation picture niya at sa caption ay sinabi niyang nakapagtapos siya sa kursong Business Administration major in Marke­ting Management bilang magna cum laude.

Ipinost din niya ang mga kaganapan sa graduation ceremony niya at mga litrato nila ng kanyang pamilya.

Nagpasalamat naman siya sa mga taong naging bahagi para maabot niya ito gaya ng kanyang pamilya, mga kaklase, kaibigan, professor at lalo na sa Panginoon. Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang Unkabogable Star na tumulong daw sa kanya na makapagtapos at ma-achieve ito na kanyang meme Vice.

Habang buhay raw siyang magpapasalamat sa ginawa nito.

Simula pa lamang daw ito ng pag-abot niya sa kanyang mga pangarap.

Maaalalang taong 2019 nang sumali siya sa Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime kung saan naging emosyonal siya nang alukin siya ng comedian-host na tulungan siyang makapagtapos ng pag-aaral.

Sinabi nitong kung hindi niya kaya ay siya na ang magpapaaral sa kanya. Mag-usap daw sila at tutulungan siya nito para masigurong matutuloy niya ang kanyang pag-aaral. Hanga raw kasi si Vice na bata pa lang ito ay artista na at hindi umaalis ng eskwelahan at honor student pa.

Kaya hiling nito ay tapusin ni Amy ang pag-aaral niya para sa gaya niyang hindi nakatapos ng pag-aaral.

Hindi naman binigo ni Amy si Vice dahil natapos niya ang pag-aaral at magna cum laude pa.

Show comments