Iya, pinatunayan ang loyalty sa Kapuso!

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Iya Villania-Arellano ang kanyang loyalty sa GMA Network sa muli niyang pag-renew ng kontrata noong Sept. 24.

Dumalo sa contract signing sina Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso at ang talent manager ni Iya na si Boy Abunda. Nirepresenta ng Vice President for Musical Variety & Specials for the Entertainment Group na si Gigi Santiago-Lara ang Senior Vice President for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable.

Bilang Kapuso sa loob ng isang dekada, patuloy na pinapakita ni Iya ang kanyang professionalism at husay sa mga proyektong ibinibigay sa kanya. Patuloy rin niyang hinahatid ang latest entertainment news sa mga manonood sa pamamagitan ng Chika Minute ng GMA Integrated News’ flagship newscast na 24 Oras.

Taos-pusong ipinahayag ni Iya ang labis niyang pasasalamat sa walang sawang pagbibigay ng GMA ng oportunidad sa kanya.

Kasama sa nakiselebreyt ng kanyang contract renewal sina GMA Integrated News Consultant Grace Dela Peña-Reyes; Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials Michelle Seva; SAVP for News Programs and Specials John Ray Arrabe; AVP for News Cluster 1 Tonio Magsumbol; Corporate Communications Assistant Vice President Jojo Aquio; 24 Oras Senior Program Manager Jeconiah Placio; at 24 Oras Program Manager Marielle Ventura.

Sa loob ng 10 taon sa GMA, ginampanan ni Iya ang mga kahanga-hangang papel sa ilan sa mga paboritong Kapuso serye. Naging host din siya sa iba’t ibang programa gaya ng Taste Buddies, Lip Sync Battle Philippines, People vs. The Stars, Mars Pa More, at iba pa.

Show comments