Glaiza, nasabik sa mister!

Ang bongga naman ng aktres na si Glaiza de Castro na sabik nang makasamang mag-travel sa mas maraming lugar ang mga magulang niya na sina Cristina Galura and Alfred Galura.

Natupad na ang isa sa bucket list niya na ma-spoil ang mga magulang.

Ipinost ng misis ni David Rainey ang mga litrato nila eroplano at ikinuwento niya na dati raw ay ini-imagine lamang niya na makakasama niya ang nanay at tatay niya sa pagbiyahe at masubukan ng mga ito ang mga masasa­yang experience niya.

Ngayon kasama na raw niya ang mga ito sa panibagong adventure niya at ang saya raw niyang makita ang mga ito na na-e-enjoy.

Sa huling bahagi ng post niya ay nagpasalamat siya ng marami sa dalawa na mga unang taong sumuporta sa mga pangarap niya.

Sinabi na rin kamakailan ng aktres na pagkatapos ng airing ng Running Man Philippines kung saan isa siya sa runners, may plano siyang makasama ang mister na si David.

Huli pa raw kasi silang nagkita ay noong April pa. Kaya tuloy na tuloy na raw ang alis niya kasi kailangan na raw ito.

Ito rin daw ang daan para makapagselebreyt sila dahil espesyal na buwan ang September sa kanila kaya maaaring doon din ang punta niya kasama ang mga magulang.

Maaalala ngang October 2021 sila unang ikinasal sa Ireland at nag-beach wedding nakaraang taon sa Zambales. Bongga.

Show comments