Stell, malakas ang kapit sa mga bata

Stell
STAR/ File

Malakas talaga ang dating ng SB19 member na si Stell lalo na sa kabataan.

Nasaksihan ‘yan ng manonood sa premiere episode ng The Voice Kids last Sunday.

Habang kumakanta ang contestant na si Makmak, umikot ang tatlong coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at SB19 Pablo kahit hindi pa tapos kumanta ang bata.

Hindi umikot si Stell. Umikot lang siya nang kinausap na nila si Makmak.

Pero nang tanungin ng host na si Dingdong Dantes kung sino ang gusto niyang piliin na coach on air. “Si Stell!” sagot ng bata.

Hahaha. In the end si Pablo ang piniling coach ng batang contestant.

HLA, may pressure sa HLG

Sold-out na raw ang inilabas na advance tickets para sa screening ng reunion movie nina Katryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again.

Nasa post production stage na ang movie matapos i-shoot ang karamihan ng eksena sa Canda.

Sa November13 daw ang target release sa sinehan ng movie.

Mapantayan o mahigitan kaya ng una nilang movie na Hello, Love, Goodbye ang Hello, Love Again?

Show comments