Tahimik lang diumano ang naging hiwalayan nina James Yap at Michela Cazzola.
Basta raw naghiwalay na lang sila na walang ingay at umalis ng bansa si Michela kasama ang dalawang anak nila ng cager turned politician. Bumalik na diumano ito ng Italy.
February 2023 pa ang last post ni Michela na kasama si James with their two kids sa kanyang social media account. Habang si James ay last October 2023 ang post sa ex na binati niya ng happy birthday.
Makikita rin sa mga post nila na kanya-kanya na sila na kung sabagay ay hindi naman sila masyadong active sa social media.
Ang usapan, may girlfriend na raw ngayon si James na isang actress.
Samantala, parang totally ay wala na talagang paramdam si James sa anak kay Kris Aquino na si Bimby.