McCoy, ‘di pa tapos kay Coco!

McCoy de Leon

“Hindi pa tayo tapos!”

Ito ang mensahe ni McCoy de Leon sa mga manonood ng seryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Tinutukan ng mga manonood ang ika-379 na episode ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, kung saan muling nagkita ang mga karakter na sina Tanggol (Martin) at David (De Leon).

Sa nasabing episode, nagpaalam na ang karakter ni Bubbles (Ivana Alawi) matapos itong barilin ni David, dahilan para habulin at mabaril ni Tanggol ang huli. Hindi naman napuruhan ni Tanggol si David dahil sa suot nitong bulletproof jacket.

Nitong Miyerkules ng umaga, idinaan sa social media ni McCoy ang mensahe ng pasasalamat para sa mga manonood ng Batang Quiapo.

“Maraming salamat po sa mga lahat ng tumatangkilik sa FPJ’s Batang Quiapo. Hindi pa tayo tapos – David,” caption ni De Leon sa kanyang post.

Lianne, may pasabog!

Sinorpresa ni Lianne Valentin ang mga manonood ng Widows’ War matapos siyang mag-crossover bilang si Beatrice Royales, na kanyang karakter sa Royal Blood.

Bukod kina Beatrice at Louie, crossover character din si Sofia played by Charlie Fleming na half-sister ni Basil kay Galvan (Tonton Gutierrez).

Papasok din sa mga darating na episodes sina Arthur Solinap as Det. Emiliano Bañez at Vaness del Moral as Hilary Pelaez-Suarez na crossover characters mula sa Widows’ Web at Royal Blood.

Show comments