Natanggap din ng trans celebrity na si KaladKaren ang proposal na kanyang minimithi mula sa fiance na si Luke Wrightson.
Nag-share si KaladKaren via Facebook ng photos ng pag-propose sa kanya ni Luke na 8 years na niyang karelasyon in London. Bale second proposal na raw ito dahil ‘yung una ay naganap noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic in 2020.
“Luke and I got engaged in the middle of pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now. Sobrang gulat ko nang muli siyang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade. Worth the wait! You make me the happiest, my love!” caption pa ni KaladKaren na muling uupo as judge sa ikatlong season ng DragRace Philippines.
Baguhang aktor, feeling blessed kay Marian
Hindi nakapaniwala ang Sparkle hunk na si Raheel Bhyria na ang unang movie niya na Balota ay official entry sa 2024 Cinemalaya.
“Every time na naiisip ko ‘yun na parang… sobrang blessed ko lang na napasama ako sa Balota kasi si Direk Kip Oebanda, napakagaling, working with Ms. Marian Rivera, ang dami ko pong natutunan. So ayun, just blessed,” sey ni Raheel na unang pinakilala bilang isa sa Sparkada ng Sparkle GMA Artists Center noong 2022.
Lumabas na ang 22-year-old Fil-Pakistani sa Kapuso shows na Luv Is: Caught In His Arms, Abot-Kamay Na Pangarap, Zero Kilometers Away, Magpakailanman at Daig Kayo Ng Lola Ko.
celine at lady gaga, nag-viral sa paris olympics
Nag-viral ang performances nina Celine Dion at Lady Gaga sa opening ceremony ng Paris 2024 Olympics.
Si Gaga ang nagbukas ng ceremony with a rendition of Zizi Jeanmaire’s Mon Truc En Plumes habang nasa stairs ng Seine River. Surrounded by pink feathers, Gaga kicked on a chorus line and played on a piano.
Si Celine naman ang nag-close ng opening ceremony performing L’Hymne à l’amour by the French singer Édith Piaf, from a stage at the base of the Eiffel Tower.
Nag-perform din sa opening ceremony ang French-Malian pop star Aya Nakamura.
Kabilang ang 22 athletes mula sa Pilipinas na pumarada sa sarili nilang yacht along the Seine River. Sinuportahan sila ng maraming Pinoy na naka-base sa France at iba pang bansa sa Europe. ‘Yung iba ay galing pa ng Pilipinas para iwagayway ang Philippine Flag sa Paris Olympics.