Jose, Wally at Paolo, sumugod sa mga binaha

Jose Manalo at Wally Bayola.
STAR/ File

Back to normal na ang Eat Bulaga at sa Cainta, Rizal ang remote ng Sugod Bahay nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa Barangay Sto. Domingo na isa sa hinagupit ng bagyong Carina.

Maayos na ang lugar ayon kay Jose. Bilang tulong ng Bulaga, 40 sakong bigas ang ibinigay nito sa barangay.

Sa totoo lang, kapag ganitong pangyayari, nagtutulung-tulong ang lahat pati showbiz personalities upang ipaabot ang kanilang tulong sa mga biktima ng bagyo.

Mabuhay kayong lahat!

Sanya, nakabili ng sports car

Biniyayaan ni Sanya Lopez ang sarili dahil nung nakaraang GMA Gala, aba, isang mamahaling sports car ang gamit niyang sasakyan ayon sa reports.

Eh sa totoo lang, isa sa A-List stars ng Sparkle si Sanya dahil mula sa First Yaya to First Lady, hindi na siya nawalan ng projects sa GMA, huh!

At heto, kasama si Sanya sa historical drama na Pulang Araw na nagsimula ang streaming sa Netflix at sa Lunes, July 29, ang simula nito sa free TV kapalit ng Black Rider.

Show comments