Tuwang-tuwa si Sharon Cuneta na makakatrabaho niya ulit si Julia Montes. Aniya sa isang post : “Finally got to work with my baby again today! Happiness!!!!”
Sobra ang naging closeness nina Sharon at Julia nang magkasama sila sa Ang Probinsyano at diumano’y isa nga si Ate Shawie sa mga pinagkukuwentuhan ni Julia ng kanilang life updates ni Coco Martin.
Anyway, tagos nga sa pusong mga karakter ang gagampanan nina Julia Montes, Janice De Belen, at Sharon Cuneta sa una nilang ABS-CBN teleserye na Saving Grace, ang Philippine adaptation ng hit Japanese drama na Mother mula sa Nippon TV.
Sa teasers pa lang ng serye na ipinasilip, agad na naiyak ang viewers sa mensahe ng kwento na iikot sa child abuse at domestic violence. Inaabangan din kung paano bibigyang-buhay nina Julia, Janice, at Sharon, kasama ang mga co-star nilang sina Sam Milby, Jennica Garcia, at Christian Bables, ang kani-kanilang mga karakter.
“Ang ganda ng lesson and story na gustong sabihin ng serye. Lagi kong tanong kung kaya ko pa ba kasi nate-tense din ako. Kailangan abangan ‘yung mga batuhan ng linya na magaganap,” sabi ni Julia na gagampanan ang papel bilang si Anna, ang guro na mapapamahal sa batang inaabuso.
Extra special din ang serye para kina Janice at Sharon dahil ito ang unang beses nilang magkakatrabaho sa isang proyekto.
“Napanood ko ‘yung original and in fact, naiyak nga ako kaya alam ko na agad na heavy drama siya. Siyempre gusto kong makaeksena si Mega. Because I know people are also waiting to see how our dynamic is going to be given our colorful past,” ayon kay Janice.
“I promise I will give my best in this project, lalo na since dalawang taon akong nagpahinga sa TV. I’m really excited kasi ‘yung ibang cast first time kong makakasama,” sabi naman ni Sharon tungkol sa kanyang pagbabalik-teleserye.
Makikilala rin sa serye si Zia Grace bilang si Grace, ang pinakabagong child actor na dudurog sa puso ng mga manonood sa pagganap niya bilang isang inaabusong anak na naghahanap ng pagmamahal ng isang ina.
Excited na rin ang viewers para sa serye matapos ilabas ng ABS-CBN ang ilang videos na ipinapakita ang unang araw ng taping ni Julia, pati na rin ang look test, behind-the-scenes photos, at script reading preparations ng cast.
Kabilang din sa Saving Grace sina Sophia Reola, Eric Fructuoso, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Mary Joy Apostol, Andrez Del Rosario, Fe de los Reyes, at Elisse Joson. Magsisilbing mga direktor naman sina FM Reyes at Dolly Dulu.
Anyway, marami namang nakaka-miss sa mga hanash ni Ate Shawie sa social media.
Ba’t daw kaya hindi na siya naglalabas ng saloobin sa kanyang mga social media page?
Kaloka, ‘pag naman nag-rant siya ang dami ring sinasabi ng iba, ‘pag wala naman may nasasabi rin sila?
GMA Kapuso Foundation, naghahanda para samga nasalanta
Kasalukuyang naghahanda na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para matulungan ang mga apektado ng matinding pagbaha at walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Carina.
Para sa mga nais na magpaabot ng tulong sa mga apektado sa patuloy na pagragasa ng Bagyong Carina, maaari itong ipadaan sa GMAKF.
Maari ring magdeposito sa mga bank account ng GMAKF, o via online sa GCash, Shopee, Lazada, at Metrobank credit cards. Maaari ring magpadala sa Cebuana Lhuillier. Pumunta lamang sa link na ito para sa kumpletong instructions: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.