Marami ang hindi nakakaalam na dumaan din naman pala sa engagement sina Carlo Aquino at Charlie Dizon bago pa man sila ikasal nitong nakaraang June 9, 2024
Sa panayam ng mag-asawa sa Metro.Style, inamin nilang April, 2023 pa sila na-engage.
Nagpunta raw sila ng Thailand noong Abril, 2023 para sa Songkran Festival at birthday rin ni Charlie that time.
“‘Di ko in-expect na magpro-propose siya du’n kasi wala pa rin kaming one year nu’n,” sey ng aktres.
Ang plano raw niya ay i-celebrate ang kaarawan by having a fun-street party in Thailand kasama si Carlo at ang kanyang mga kaibigan. Hindi raw niya alam na nagpaalam na ang boyfriend sa kanyang pamilya via video call na magpo-propose na siya.
“’Yun na, nagpaalam na siya na magpro-propose na siya, ganu’n. So before nag-propose, nag-video call siya with my parents at tsaka ’yung mga kapatid ko,” tsika ni Charlie.
Bago ‘yun ay na-meet na raw ni Carlo ang parents niya nang pumunta ito sa US na mag-isa.
“Before din du’n, na-meet na rin naman ni Carlo ’yung family ko. Like actually, nagsabi pa lang siya na manliligaw siya, pumunta siya sa US mag-isa.
“Ta’s pumunta siya sa family ko nu’n. Ta’s ’yun, du’n siya nagsabi na balak niyang manligaw,” lahad ni Charlie.
“So ’yun, nu’ng una, ‘yun pa lang. Tapos biglang next year, nag-propose!” sey pa niya.
Kwento naman ni Carlo, nag-video call sila ng parents nito habang nasa traffic siya para bumili ng engagement ring.
“Nakakatawa ‘yung video call with her parents at tsaka sisters. So from Commonwealth going to Makati, magkausap kami. Sobrang traffic. Three hours kaming magkausap, tapos ayaw maniwala ng mom niya na magpro-propose na ako,” kwento ng aktor.
Sey naman ni Charlie, “yeah. Kasi nga parang iniisip nila, ‘Are you, guys, sure, kasi bago pa kayo?’ But hindi ko alam lahat ‘yun. So nu’ng nag-propose, nakakatawa. Kasi ‘yun ‘yung worry ko, if alam ba ng family ko. Kasi siyempre, mag-isa ako dito sa Philippines.”
As for the proposal, naganap daw ito sa isang fine dining restaurant sa Bangkok.
“Du’n ako nag-propose. Nagpatulong ako du’n sa best friend ko na Thai. Tapos, ayaw niya pang magsuot ng maayos nu’n. So sabi ko, ‘Mag-dress ka! Kami, naka-polo kami, tsaka fine dining ’yun,’” tsika ni Carlo.
“Actually, nu’ng sinabi niyang fine dining, du’n lang ako napa-dress. Kasi feeling ko, baka hindi ako papasukin,” sabi naman ni Charlie.
“Ayaw niyang mag-dress. So sabi ko, ‘Kailangang mag-dress ka na.’ So finally, napilit ko siya, ta’s dinala na namin siya doon,” sey ni Carlo
“So busog na busog kami. Tapos nu’ng paalis na, sabi ko sa kaniya, ‘Ano nang plano natin? Ano nang next step?’” dagdag ng aktor.
Sabi naman ni Charlie, “so kaharap ko ’yung best friend (ni Carlo). Pagtingin ko, nakaluhod na siya. So ’yun pala, magpro-propose siya. So hindi ako makapaniwala!”
Kwento pa ng aktres, hindi pa nga raw siya nakasagot ng ‘yes’ agad.
“Akala ko, nag-‘yes’ agad ako. Ta’s hindi pa pala. So parang sabi niya, ‘So ano’ng sagot?’ Sabi niya, ‘Kasi lahat ’to alam na ng lahat. Don’t worry!’”
“So du’n ko sinabi, ‘Oo naman!’ Akala ko nag-‘yes’ talaga ko in my mind. ‘Yung parang ganu’n, sa sobrang taranta ko,” pagre-recall ng aktres.
Kwento pa ni Charlie, talagang hindi siya makapaniwala na nag-propose sa kanya ang boyfriend,
“Nakakatawa kasi hindi ako naniniwala nu’ng nag-propose siya. So like lahat nu’ng kasama namin, tinatanong ko na ‘prank ba ’to? ‘Wag n’yong gagawin ‘to sa’kin!’
“Nu’ng sinabi niya na ‘totoo, napaalam na ‘to sa family mo,’ ganiyan, e ‘di okay, go na! Ilang beses ko nang na-taping ‘yung magpro-propose. Pero ‘yung real thing, ibang-iba. As in sobrang nanginig ‘yung tuhod ko. As in ganu’n ‘yung feeling,” lahad pa ni Charlie.