Nanay ng sikat na female singer, mahilig sa expired product!

Dumating ang nanay ng isang sikat na female singer sa isang variety show kung saan guest ang anak.

May dala-dalang pasalubong ang madir para sa staff. Tuwang-tuwa naman ang staff.

Pag-alis ng madir, binuksan agad ng staff ang pasalubong para kumain! Enjoy sila sa pagkain, then suddenly, sumigaw ang isang staff!

Pinatingin niya ang expiry date ng binigay na goods. Nagkaroon dati ng isyu ang madir na namimigay ng expired product!

Agad naman nilang tsinek ang expiry date at ang nakalagay, best before ng date na nakalagay kainin! Eh puwede pa naman palang kainin pero ‘yung iba eh iniluwa ang kinakain!

Show comments