BGYO, kinasuhan ang bashers at isang showbiz personality!

MANILA, Philippines — Nagsampa na ang P-pop group na BGYO ng kaso laban sa bashers nila sa social media dahil sa ginagawang cyber bullying ng mga ito sa kanila.

Wala pang buong detalye, pero merong mga litratong nakuha ang kolumnistang si Gorgy Rula mula sa kanilang reporter sa DZRH na kuha sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon.

Mukhang cyber libel daw ito dahil wala pa namang cyber bullying sa batas.

Bukod doon, kakasuhan din daw ng mga ito ang ilang grupo ng netizens.

First batch pa lang diumano ito, dahil meron pa raw ilang grupo ang susunod na kakasuhan ng mga ito.

Meron din daw isang kilalang showbiz personality ang kinasuhan nila pero ayaw pa raw ilantad ng mga ito kung sino ang nasabing personalidad.

Show comments