Ikinuwento ni Meryll Soriano sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano nila naibalik ang pagmamahalan nila ng karelasyong si Joem Bascon.
Maaalalang nagkaroon sila ng relasyon noong taong 2008 pero naghiwalay rin at nagkabalikan sila noong 2019. Nakumpirma ang balikan nila nang mag-post ang pamangkin ni Maricel Soriano ng litrato nila kasama ang baby nilang si Gido.
Sa lahat daw ng tao sa buhay niya ay si Joem ang pinaka-nakakaintindi sa kanya lalo na sa kanyang bipolar disorder.
Nilatag niya ang mga bagay na gusto talaga niyang baguhin sa sarili niya. Kung dati raw ay wala siyang pakialam ay nagbago na raw siya ngayon. “That’s really something na I want to be aware of also, so I really engage sa sinasabi ko na ‘Okay, eto ako.’ All cards on the table. And then ito ‘yung mga gusto kong baguhin sa sarili ko. I know during our time before, wala ako masyadong pakialam. Nagbago na din ako,” she said.
Tingin nga raw niya ay mas naiintindihan siya nito kesa sa kanyang sarili.
Binahagi ni Meryll na patuloy pa rin ang pagpunta niya sa doctor at sa kanyang medication. Seventeen years na raw mula pa noong ma-diagnose siya.
Matagal daw bago natanggap ni Meryll ang kondisyon niya. Nasa 30s na siya noong talagang matanggap niya ito na una niyang nilantad noong taong 2015.
Ayon sa Webmd, ang bipolar disorder ay isang mental illness na nakakaapekto sa mood, na nagdudulot ng severe at low shifts sa kanilang energy. Nakakaapekto rin ito sa pagtulog, pag-iisip at behavior ng isang taong meron nito.