EA, ayaw hawakan ang pera ni Shaira!

EA at Shaira

Pinag-uusapan na ng magkarelasyong sina Shaira Diaz at EA Guzman ang future nila lalo na ang tungkol sa pera.

Madalas ngang pinagtatalunan ng mga mag-asawa ang paghawak sa pera kaya naman ngayon pa lang ay pinaplano na nila ito na kanilang ibinahagi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon kay Shaira ay alam nila ang ipon ng bawat isa kaya naman may inside joke sila dahil alam nila kung magkano ang pumapasok na pera sa isa’t isa.

Gusto raw ng aktor ay ang fiancée ang mag-asikaso ng kanilang pera kapag ikinasal na sila.

Very open daw sila at ibinilin na agad ni EA na si Shaira talaga ang hahawak ng pera nila sa future.

Sa ngayon ay pinaplano na nila ang kanilang kasal na gaganapin sa taong 2026.

Maaalalang inamin nila na pinaiiral nila ang celibacy sa kanilang relasyon o hindi pagsisiping hangga’t hindi pa sila naikakasal.

Naniniwala raw kasi ang Unang Hirit host at ino-honor ang mga salitang ipinangako niya sa mga magulang lalo na ang mga payo ng mga ito at lalong-lalo na raw ang mga nasa Bible.

Pero nilinaw niyang hindi naman siya tutol sa mga magkarelasyong iba ang pananaw dahil talagang choice lang daw talaga niya na i-save iyon sa kasal nila.

Bongga.

Show comments